ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso comedian Betong Sumaya not affected by gay image


Hindi mamatay-matay ang gender issue sa comedian na si Betong Sumaya, lalo na nang makasama siya sa gag show ng GMA Network na Bubble Gang.

Kadalasan ay babae o bading ang mga ginagampanan niyang papel dito, partikular na ang sikat na karakter niya bilang si Antonietta.

Pahayag ni Betong tungkol sa isyu sa kanya, “Wala, e, isipin mo diyan ako kumikita. Antonietta, tapos nag-stand-up comedian ako, pinagbi-bikini ako, ano bang gagawin ko?"

“Kailangan makisama, wala na akong maipapaliwanag pa. E, alam ko naman ang totoo.”

Aware din daw si Betong na bago pa man siya sumikat ay may mga sitsit nang gay diumano siya.

Saad ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown winner, “Oo nga, e, may mga ganun. Kung aaminin mo, hindi naman sila maniniwala. Kung itatanggi mo, hindi rin naman sila maniniwala.”

Sabi pa niya, “E, kasi, gaya ngayon, ang mga roles ko, halos lahat sa Bubble Gang, more on Antonietta tapos meron pang Mamaw."

“Nag-e-enjoy ka doon sa role, iniisip mo, ‘Eto, trabaho lang naman, mas marami kang napapasaya, maraming natutuwa sa iyo.’ Minsan minumura na ako pero Antonietta pa rin ang tawag sa akin, ’Nakakatuwa ka, Antonietta.’"

“Masaya naman, eto ang kabuhayan mo, e. So, sa akin, alam ko naman kung ano ako… tomboy, tomboy ako!” natatawang biro niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Betong sa launching ng all-star charity album na One Heart ng GMA Records noong nakaraang linggo.

NOT GAY. Masasabi ba niyang straight siya talaga?

“Oo naman! Wala pa lang talagang love life, ayaw nila, e. Choosy sila, pero nanawagan ako sa inyo,” biro ni Betong.

Pero seryoso niyang dagdag, “Meron naman akong love life before, pero may asawa. Tapos nalaman mo after one month, tatlo na pala ang anak."

“So, minsan pag hinahanap mo, hindi okay. Kumbaga, in time na lang.”

Never daw nagkaroon ng sexual encounter si Betong sa lalaki man o sa bading.

“Wala naman po, mga libreng gupit lang.”

May mga kuwento kasing nagpupunta raw si Betong sa gay bars.

Ipinaliwanag naman niya ang dahilan kung bakit siya nagawi sa ganitong mga lugar.

Lahad ni Betong, “Nakapunta talaga ako ng gay bar, kasi yung story na ginagawa namin sa Probe Team before… kailangan naming maghanap ng case study. Siyempre, as a researcher, kailangan mo talagang pumunta doon."

“Nakaikot ako simula sa Monumento, sa may Pasay... yung mga gay bar. Para sa story lang yun, hindi yung parang hobby, hindi.”

Hindi raw apektado si Betong sa gay image niya.

Saad niya, “Ayaw ko naman siyang gawing malaking isyu na tipong ikagagalit mo. Alam mo naman ang sarili mo, okay lang naman, hindi naman talaga mawawala ‘yan."

“Wala namang hindi napagkakamalang [artista], lahat na lang pinagkakamalan. Sino ba namang artista ang hindi napagkamalan?” —Philippine Entertainment Portal

Tags: betongsumaya