ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former sexy actress Klaudia Koronel diagnosed with uterine tumor


Naka-confine sa isang ospital sa US ang '90s sexy actress na si Klaudia Koronel dahil na-diagnose ito na may tumor sa kanyang uterus.

Sa kanyang Facebook page, gamit ang kanyang pangalang Milfe Zhang, pinost ni Klaudia ang ilang mga litratong kuha niya habang nasa ospital.

Sa post nito noong February 24, kakabalik lang ni Klaudia sa US, pero agad siyang itinakbo sa emergency room.

Kakabakasyon lamang ni Klaudia sa Pilipinas noong nakaraang buwan para bisitahin ang kanyang anak mula sa kanyang mister na si Andy Zhang.

HEALTH STATUS UPDATE. Heto ang kanyang mga naging posts:

“Just arrive here in the US na emergency agad. Ang saya ko pa naman nakabalik na ako sa America. Pero panibagong pagsubok naman ang sumalubong sa akin.”

Noong February 26, ipinost ni Klaudia ang naging dahilan kung bakit siya na-confine sa ospital.

“Final check up: Ang result need kong mauperhan meron akong Cyst,Tumor sa uterus at malaki na daw na ang Fibriods ko sa right side ang kinagulat ko ay tatanggalin ang right ovary ko. Kaya pala madali akong mapagod. Di ko masabayan ang mga tao sa paligid ko. Pag medyo kulang sa tulog nanghihina ako. Lately lagi akong malungkutin o depress, nahihilo at nagsusuka. Minsan di ako maintindihan sa paligid ko. Yon pala may sakit na ako..."

“Kailangan maging ready ako financially at insurance. Dadalhin ko pa din ang sakit na ito sa mga susuunod na araw o buwan hanggang ready ako... Ang buhay nga naman...”

Bumuhos ang comments mula sa mga kaibigan ni Klaudia na pinagdarasal ang kanyang kalusugan.

Sumikat si Klaudia Koronel (Milfe Dacula in real life) noong late ’90s bilang isa sa mga sexy stars na nakakontrata sa Seiko Films.

Noong natapos ang kontrata nito sa Seiko Films ay gumawa siya ng mga sexy movies sa bakuran ng Regal Films at iba pang mga independent film outfits.

Lumabas si Klaudia sa mga pelikulang Anakan Mo Ako, Kesong Puti, Pisil, Linggo Lang Ang Pahinga, Walang Dayaan Akin Ang Malaki, Babaeng Putik, Gamu-Gamong Dagat, Hubad Sa Ilalim Ng Buwan, Tuhog, Live Show, at marami pang iba.

Nakapareha ni Klaudia ang mga sexy actors na sina Rodel Velayo, Leonardo Litton, Anton Bernardo, Carlos Morales, Roy Rodrigo, Mike Magat, Gino Ilustre, Gary Estrada, at Jestoni Alarcon. — PEP.ph