Alden Richards safe after car accident

Nasangkot sa isang minor car accident ang Kapuso actor na si Alden Richards ngayong Biyernes ng umaga, March 4.
Pero tiniyak naman ng aktor, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, na maayos ang kanyang kalagayan.
Nag-tweet din ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson Jr. upang tiyakin sa supporters ng Pambansang Bae na hindi nasaktan ang kaniyang anak.
Nag-tweet din ang GMA Artist Center Heads of PR and Events na si Mark Sablan na hindi nasugatan si Alden at ang assistant nitong si Tenten.
Maraming netizens at supporters ng 24-year-old actor ang nag-alala matapos mabasa ang balitang ito sa social media.
May mga nag-post din ng larawan ng sasakyan ni Alden pagkatapos ng aksidente na makikitang nasira ang harapan o bumper nito dahil sa aksidente.
Sa isa pang larawan, makikita si Alden na nakaupo malapit sa pinangyarihan ng aksidente. -- For the full story, visit PEP.