ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ina Raymundo recounts experience working with rude young actress


 

Nalulungkot ang ‘90s sex symbol at Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo kapag may nababalitaan siyang veteran stars na nababastos ng mga baguhang artista ngayon.

Ayon sa aktres, noong nagsimula siyang mag-artista, ang unang ibinilin sa kaniya ng mga magulang ay magbigay-galang sa mga mas nakakatanda sa trabaho.

“Iyon din ang turo sa akin ng mga naging mentors ko.

“Kahit sino pa ‘yan, basta nakakatanda siya, you will always give respect.

“Laki rin naman kasi ako sa lola ko sa Bulacan kaya ang paggalang, tulad ng pagmano, pagsabi ng po at opo, alam ko na lahat ‘yan.

Wala raw siyang natatandaang may nagalit na senior stars sa kaniya noon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Kapuso afternoon series na The Millionaire’s Wife, sa GMA Network Center, noong March 8.

INA’S EXPERIENCE. Ayon kay Ina, naranasan na rin niyang mabastos ng isang batang co-star niya sa isang teleserye na ginawa niya noon sa ibang TV network.

Lahad niya, “Minsan ko lang naman naranasan ang ganyan sa isang young actress. Pero grabe yun!

“Parang ang laki ng problema ng batang yun. Hindi siya marunong gumalang talaga.

“Nasa loob kami ng standby tent. E, air-conditioned yung tent, aba, yosi siya nang yosi sa loob!

“Wala siyang kunsiderasyon sa mga kasama niya sa loob ng tent.

“E, may mga bata rin kaming kasama sa loob. Wala siyang pakialam talaga.

“Kahit na nababahuan na kaming lahat sa loob, itinutuloy pa rin niya.”

Patuloy niya, “Kung maayos ang pag-iisip ng batang yun, sana nag-sorry siya at lumabas na siya ng tent. Pero hindi, e.

“Parang enjoy pa siyang nababahuan kami sa usok ng sigarilyo niya.

“Hindi ko na siya nakatrabaho ulit. Matagal na rin kasi 'yon.

“Malamang hindi na siya young star ngayon at may edad na rin siguro siya.

“Wish ko lang na hindi siya bastusin ng mga mas bata sa kanyang artista ngayon!” tawa niya.

 Sa palagay ni Ina, kulang sa pangaral mula sa mga magulang ang ibang batang artista ngayon.

“Nasa upbringing din kasi ‘yan, e.

“Kung ang bata pinalaki mong magalang at may takot sa Diyos, hindi ‘yan gagawa ng hindi maganda sa kapwa niya.

“Hindi ko lang alam kung paano pinapalaki ng ibang magulang ang mga anak nila.”

Ayon pa kay Ina, “Ako naman, as a parent, alam ko ang obligasyon ko sa mga anak ko. To teach them good manners and right conduct.

“Ang mga anak ko, tinuturuan kong gumalang ang mga ‘yan.

“Marunong silang mag-mano. Marunong silang magsabi ng po at opo.

“They say ‘excuse me’, ‘please’ and they smile kapag ipinakilala mo sila.

“May ibang mga bata ngayon, hindi sila marunong ng ganyan. Hindi naman mahirap ang maging magalang, di ba?” -- For the full story, visit PEP.