Dina Bonnevie happy about Pauleen Luna's positive influence on ex-hubby Vic Sotto
Masaya raw si Dina Bonnevie sa pagpapakasal muli ng dati niyang asawa na si Vic Sotto.
Noong January 30, 2016 ay ikinasal si Vic, 61, sa girlfriend nitong si Pauleen Luna, 27.
Pahayag ni Dina, “Parang ako, I’m happy for them. I wish them all the best despite some detractors na sinasabi, ‘Naku, hindi magtatagal ‘yan kasi ang laki-laki ng age gap. Blah-blah, blah-blah.’ Marami ring sinasabi against Pauleen."
“Parang sa akin, tumahimik na lang tayo. Parang let’s give everybody a chance to be happy. Parang kung ‘yun ang kaligayahan ni Vic, let him be. Parang let us not be the judge and let time be the judge kung talagang magla-last or hindi."
“I don’t think anyone has the right right to say, ‘Hindi magtatagal ‘yan.’ Parang ang bad naman. Pabayaan mo sila. Let them be.”
Inimbita ba siya sa wedding?
“Nagpapatawa ka ba?” natatawang reaksiyon ni Dina.
“Hindi. Actually, I saw the brother of Vic. Papunta ako ng Thailand. Tapos sabi niya [Maru Sotto], ‘O, balita ko first reading ka.’ Sabi ko, ‘Ako? Bakit ako naging first reading?’ Sabi niya, ‘E, kasi second reading si Coney [Reyes].’"
“‘A, ganoon?’ Tapos, sabi ko, ‘Ano si Angela [Luz]?’ Sabi ni Maru, 'Offertory siguro.' Sabi ko, ‘Ano ba ‘yan, joke?!’ Pero wala, hindi naman [ako] in-invite.”
Sina Coney Reyes at Angela Luz ay mga nakarelasyon ni Vic at ama ng mga anak niyang sina Vico at Paulina, respectively.
Patuloy ni Dina, “Although sabi ko nga, natutuwa rin ako, kasi parang yung Vic noon at Vic ngayon, iba na, e. Before, kasi lalaki ‘yan, dadaan yung ano mo [significant date in your calendar], hindi ka babatiin. Ngayon, siya pa ang first greeter ng Happy Birthday sa akin, unang nagbati ng Merry Christmas, unang nagbati ng Happy New Year. Unang nagbati ng Happy Mother’s Day."
“Okay naman... I mean, ako I’m just so happy. In time din pala, you know, when people become closer to the Lord, nag-iiba. So, I guess, you know, parang naging malapit na rin siya sa Diyos dahil Christian na rin yung mga anak niya."
“I guess, through the kids na rin. More of the kids ang impluwensiya, kasi very active si Kristine, very active si Oyo. Si Vico is also a Christian, si Coney is also Christian. I believe si Pauleen, parang nag-a-attend na rin ata. Sana, sana,” dasal ni Dina.
PAULEEN'S POSITIVE INFLUENCE ON VIC.
Magandang influence naman pala si Pauleen para kay Vic kung ganun?
Pagsang-ayon ni Dina, “Oo, sabi ko, maganda rin naman pala ang mga nangyayari. Actually, noong sinabi mo nga na magandang impluwensiya si Pauleen, parang na-notice nga ng mga bata. Parang sabi lang nila, to quote, Siya lang yata yung girlfriend na hindi wini-withhold yung presence ni Vic with them.'
“Yung siya mismo ang nagsasabing, 'Go! Spend time with your kids.’"
“Sometimes, lumalabas si Vic na hindi siya kasama. Yung talagang sila lang. Pero minsan naman kasama. Pero now siyempre, kasama lagi siya, kasi siyempre, wife na siya, di ba?”
Nagkaroon din ng isyu sina Danica at Oyo nung unang mga taon na nakumpirma na ang relasyon ni Vic kay Pauleen.
Base sa mga intebryu ni Oyo, halata na hindi siya boto noon kay Pauleen para sa kanyang ama.
“Well, siguro, hindi ako magsisinungaling na, in the beginning, talaga grabe ang apprehensions ni Oyo. Talagang ‘no,’ up to the point na mag-aaway sila ng papa niya."
“But I guess, you know, time heals all wounds and, yun na nga, I guess, time heals everything."
“Pero sa wedding, oo, ibinigay niya ang support niya sa daddy niya. At saka sabi naman niya, e, mahal talaga ng daddy niya." — PEP.ph
