Kris Aquino sa pag-alis niya sa showbiz: 'Lungkot na lungkot din po ako'
Inamin ni Kris Aquino na hindi niya maiwasan na hindi maging emosyonal sa gagawin nitong pagpapahinga sa show business.

READ: Kris Aquino announces she's leaving television
Sa artikulo ni Rachelle Siazon sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph)nitong Miyerkules, sinabi umano ni Kris na nakaramdam daw siya ng separation anxiety matapos niyang isapubliko na iiwan niya muna ang showbiz para matutukan ang kaniyang kalusugan ang mga anak.
Kuwento ng TV host-actress sa kaniyang programang Kris TV, “When you’re in denial pa about something, you’re okay. Tapos when you admit it...
“So, when my ate [Ballsy] called she said, ‘Are you ok?’ Sabi ko, ‘Ang galing mo.’
“Sabi niya, ‘Why?’
“Sabi ko, ‘Ang taas ng BP [blood pressure] ko, Ate, 148/99 ako ngayon.’
“Sabi niya, ‘I knew it. I knew you’d be sad, kasi yung mga friends ko nga na fans ko, sad na, what more na ikaw pa.’
“Sabi niya, ‘No, no, no! Don’t worry about it. You’re gonna be healthy. Malay mo, kapag naging super healthy ka, yun ang next career mo, health and wellness.”
Dagdag pa niya, “At least ina-acknowledge ko sa inyong lahat na kung kayo po ay nalulungkot, lungkot na lungkot din po ako.”
Ngayong hindi na magiging abala sa showbiz, nagpaplano na rin daw si Kris na mamasyal kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. -- For more showbiz news, visit PEP.ph