Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kakai Bautista, sinagot ang hirit ng netizen na 'gay' si Ahron Villena


(Photo by: Twitter/Instagram)

Dinepensehan ni Kakai Bautista ang sarili at ang kaibigang si Ahron Villena, nali-link din sa kanya ngayon.

Ito ay kasunod ng mga kaganapan matapos i-'friendzone' ni Ahron si Kakai, sa kabila ng pag-assume ng iba na may namamagitan sa kanila higit pa sa pagkakaibigan.

Pero sa kanilang interviews, sinasabi ng dalawa na magkaibigan lamang sila.

March 15 nang mag-post sa Instagram si Ahron at sa caption, malinaw niyang tinukoy na 'friend/best friend' ang tingin niya sa comedienne-singer, bagay na ikinagulat ng kanilang fans na umasaang more than friends sila.

Lalo namang naintriga ang netizens nang burahin ni Ahron sa kanyang Instagram account ang mga larawan nilang magkasama ni Kakai.

Samantala, sinagot ni Kakai sa kanyang social media accounts ang netizens na nagbigay ng pahayag tungkol sa kanila ni Ahron.

May isang netizen na nagmensahe sa komedyana at sinabing marami namang ibang lalaki.

Sabi ni Kakai, hindi siya naghahanap at hindi raw niya kailangan ng lalaki para sumaya.

May isang netizen naman na tinawag na 'gay' si Ahron, pero nilinaw ni Kakai na hindi bakla ang aktor.

“FYI po he's not gay,” ani Cacai.

Nakiusap din si Kakai na huwag maapektuhan ang kanyang mga tagasuporta dahil 'OK' naman siya.

Sinabi naman ng netizen na lubos lang siyang naapektuhan sa nangyari sa kanila ni Ahron, kagaya ng pagbura ng aktor ng mga larawan nila sa Instagram.

Depensa ni Kakai kay Ahron: “Stop judging him because he has done something that does not agree with your norms and standards. I know him better than you do.

'God bless. Let's just all move forward and be happy.”

Naging malaman din ang tweets ni Kakai.

Aniya, walang dahilan para hindi siya maging maayos.

At sana ay tumigil na ang mga tao na parang katapusan na ng mundo para sa kanya dahil sa sinapit ng relasyon nila ni Ahron.

Tweet ni Kakai: “I don't have any reason not to be OK. I take pain differently from yours. So stop talking like it's gonna be the end of the world for me.” -- For the full story, visit PEP.