Karylle on Encantadia: 'Thankful lang ako sa lahat ng fans who have grown up with us'
Bago pa man ang grand reveal sa new cast members ng Encantadia requel, nakapagbigay na ng kanyang pahayag si Karylle tungkol dito.
Si Karylle ang unang gumanap sa role na Alena (2005), ang diwata na tagapangalaga ng brilyante ng tubig.
Kuwento ni Karylle sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lamang, “I’m just really grateful kasi I’m also part of iFlix, we do show Encantadia on iFlix.
“So, it’s always on the crop.
'I’ve also spoken some people in Fox, pero hindi pa rin ipinalabas ang Encantadia.
“So, thankful lang ako sa lahat ng fans who have grown up with us.
“A lot of them still tweet me, so excited na excited naman sila.
'And they’re still watching the whole series.”
Ikinatuwa din daw niya na narinig niya ang kanyang boses sa teaser ng show.
Saad ng It’s Showtime host, “ A, meron lang akong nakitang teaser, tapos narinig ko naman yung boses ko so natuwa naman ako. Kasi minsan nili-link nila, so yun pa lang nakita ko.”
Sina Glaiza de Castro (bilang Pirena), Kylie Padilla (bilang Amihan), Gabbi Garcia (bilang Alena), at Sanya Lopez (bilang Danaya) ang mga bagong gaganap sa mga papel na ginampanan noon nina Karylle, Sunshine Dizon (Pirena), Iza Calzado (Amihan), at Diana Zubiri (Danaya). -- For more showbiz news, visit PEP.ph