Is Barbie Forteza really in love with leading man Andre Paras?

Natawa lang si Barbie Forteza sa obserbasyon ng mga manonood ng GMA primetime series na That’s My Amboy, na sa kanilang dalawa ni Andre Paras ay tila mas siya ang may gusto sa kapareha.
“Mas talaga?!” bulalas ni Barbie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa set ng kanilang teleserye sa GMA Network Annex building.
Paliwanag ng 18-year-old Kapuso actress, “Sobrang close kasi namin ni Andre. So, kapag may mga ganung eksena, ang dali na naming magawa na parang ang dali na siyang harutin, kasi close naman kami sa personal.”
Natatawang dugtong din niya, “At talagang hindi ko sinasagot, di ba? Iniiba ko!”
Kapag hindi niya sinasagot nang diretso ang isang tanong, mas lalong iisipin ng mga tao na may gusto nga siya kay Andre.
Sabi ni Barbie tungkol dito, “Hindi naman mahirap magka-crush sa isang katulad ni Andre. Kasi gentleman naman, mabait, at saka willing siyang matuto kapag may sinasabi ako sa kanya.”
May paghanga na ba siya sa kanyang leading man?
Sagot niya, “Naa-appreciate ko ang willingness niyang matuto... hindi, totoo talaga yun.”
IS BARBIE IN LOVE? Idinaan na naman ni Barbie sa tawa ang sagot nang tanungin kung in love ba siya ngayon.
In love ba siya kay Andre o may ibang nagpapasaya sa kanya?
“Inspired ako, yun na! Yun na ang pinaka-safe answer ko,” sabi niya.
Kumusta ba ang pakikitungo sa kanya ni Andre?
Ayon kay Barbie, “Ano siya, pasensiyoso siya sa akin. Kasi, kahit na antok ako, makulit talaga ako at hindi siya ganun kakulit. Pero sa tagal ng pinagsamahan namin, never ko siyang nakitaan ng inis sa akin dahil makulit ako."
“Minsan nga, nakiki-ride pa siya sa akin kaya minsan, parang ako na yung nagla-lie low nang konti."
“At saka parehas kaming chubby cheeks, yun ang isa rin sa gusto ko sa kanya.”
Sa tingin niya, ano ang gusto ni Andre sa babae?
“Matangkad!” natawang sagot niya.
Dagdag ni Barbie, “Feeling ko, ang gusto niya sa girl, quiet pero nagtsi-cheer sa kanya.” -- For the full story, visit PEP.