ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is Traffic Diva Aicelle Santos dating GMA reporter Mark Zambrano?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 

(Photo by: Mark Zambrano's Instagram account)

May bago na nga bang nagpapasaya sa puso ng Traffic Diva sa katauhan ni Mr. Reporter?

Ito marahil ang tanong ng maraming followers ng singer na si Aicelle Santos at ng GMA News reporter na si Mark Zambrano.

Sa Sunday PinaSaya ng GMA Network noong Linggo, April 17, malimit na tinutukso ni Jose Manalo si Aicelle tungkol sa reporter na malapit daw sa Kapuso singer ngayon.

Pero walang idea ang fans kung sino ba si ‘Mr. Reporter’ na tinutukoy ni Jose, hanggang nitong Martes, April 19, nag-post si Mark sa kanyang Instagram ng larawan nilang dalawa ni Aicelle.

Nakasaad sa caption ni Mark: “Truly blessed to witness your talent and unwavering faith onstage @aicellesantos! Continue being a blessing to others okay! Proud of ya!'

Makalipas ang dalawang araw, ang Eat Bulaga! mainstay naman ang nag-post sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Mark.

Sabi ni Aicelle: “So this guy took me to my voice doctor. Thanks @markzambrano!
#signlanguageonly #notalking??”

Marami namang followers ni Aicelle ang natuwa at mayroon na raw inspirasyon ang singer. Ganundin ang mga tagahanga ni Mark na masaya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.

Si Mark ay dating nobyo ng showbiz anchor ng Balitanghali na si Luane Dy, na karelasyon naman ngayon ng aktor na si Carlo Gonzales. -- For more showbiz news, visit PEP.ph