ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aljur Abrenica shares experience, learning in 'Encantadia' audition


 

Inamin ni Aljur Abrenica na kabilang siya sa Kapuso stars na nag-audition para sa requel (retelling/prequel) ng Kapuso fantaserye na "Encantadia."

“Opo, opo. Ang role po na pina-audition sa akin yung kay Ybarro,” banggit ng aktor.

Ang naturang papel, na unang ginampanan ni Dingdong Dantes, ay napunta sa young actor na si Ruru Madrid.

Ano ang naramdaman ni Aljur na hindi siya pinalad mapili bilang Ybarro?

“Para po sa akin, ganun lang talaga!” tawa niya.

“Ang importante po sa akin kasi, ginawa ko po talaga yung best ko para sa role na yun. Nag-aral po talaga ako, and I have no expectations, kasi ginawa ko yung best ko."

“At saka yung nakuha nilang Ybarro, si Ruru, I’m very happy for him. Kasi lahat naman tayo nabibigyan ng pagkakataon para mapatunayan yung sarili natin.”

Ikinalungkot ba ni Aljur na hindi siya ang napili para sa coveted role?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

Nanghinayang?

“Hindi rin po, e! Hindi po ako nanghinayang o nalungkot kasi alam ko na marami pa pong darating tulad nito, dumating na.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang primetime series ng GMA-7 na "Once Again," kung saan sila ni Janine Gutierrez ang mga bida.

THE FUTURE ALJUR. Maraming pinagdaanan si Aljur sa kanyang showbiz career, may magaganda, mayroon ding hindi kagandahan.

 

Dahil sa mga ito, mas lalo ba siyang naging excited at focused ngayon sa career niya?

 

Tugon niya, “Opo! Bakit ako naging excited? Naging excited ako kasi mas kilala ko na yung sarili ko. Mas alam ko na po yung gusto ko, alam ko na rin po kung ano yung ayaw ko.”

 

Ano ang nakikita ni Aljur sa sarili niya sa hinaharap?

 

“Sa industriya kasi natin, gusto ko pong… maliban sa nae-enjoy ko po talaga ang pag-arte at nabibigyan ng chance sa mga character, maging malaking impluwensiya para magkaroon ng kontribusyon sa bansa natin."

 

“Mabuti lahat, mabuti lahat, gusto kong makagawa ng kabutihan sa kapwa tsaka sa bansa natin.”

Kung ganoon, bakit ayaw niyang pasukin ang pulitika para mas makatulong siya?

“Hindi ko po linya ‘yan, e,” sabi ni Aljur.

Hindi ba kung isa siyang pulitiko ay mas may kapangyarihan siya para makatulong sa iba?

“Hindi po totoo ‘yan,” bulalas ni Aljur.

“Kasi po, as an artist, marami pa po tayong kayang gawin. Kumakanta po tayo at nagko-compose."

“Sa history po natin, nagkaroon ng malaking kontribusyon sa mga bansa nila, hindi lang po sila pulitiko, tulad po nila Bob Marley, isa pong musikero.

“Tulad po ni Muhammmad Ali, isang boksingero, pero malaki po ang na-contribute niya at naibigay niya sa USA.”

Kaya isinasara na niya talaga ang pintuan na pasukin ang pulitika?

Natatawang sabi ni Aljur, “Hindi naman po sa isinasara, pero masasabi ko wala po akong alam diyan! Hindi ko po alam ang gagawin ko diyan. At saka masaya po ako sa industriya natin na nakakasama ko kayo.” -- For more showbiz news, visit PEP.ph