ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi Delas Alas, excited na raw sa pagdating ng unang apo


 

Magiging ama na si Sancho delas Alas, pero tilas mas excited pa raw ang kanyang ina na si AiAi delas Alas kaysa kanya.

Aniya, “Eto po ang unang apo, kaya sobrang excited talaga siya.”

Last month sinabi ni Sancho at ng girlfriend niya for two years na si Shanna Retuya kay Ai-Ai na buntis na ang huli

Kuwento ni Sancho, “Shocked nang sinabi ko, pero noong umalis na ako ng bahay, she started texting tungkol sa name.

“'Nak may naisip ka na bang pangalan kung baby boy or kung baby girl?'”
Pati raw sa pagpapa-checkup ni Shanna ay nagpiprisinta pa si Ai-Ai na samahan ito.

“Sobrang willing ni Mama, grabe! Sabi niya, ‘Anak, ako na sasama kay Shanna pag may work ka.’

“Tapos recently nag-Guam siya, namili siya ng mga bib at kumot na pang-baby.”

Pati raw pag-aalaga ng baby, excited na ang mama niya, “Gustong gusto niya po.

“Sabi niya, ‘Anak, ha, minsan iwan mo sa akin ang apo ko.’

“Sabi ko, ‘Oo naman.’ Ganoon siya ka-excited, e.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa blessing ng bagong opisina ng BG Productions International ng lady producer na si Baby Go, sa Mandaluyong City, noong Huwebes, May 5.

WEDDING PLANS. Ayon pa sa panganay na anak ni Ai-Ai, lahat sa kanila ay excited sa bagong dagdag sa kanilang pamilya.

“Gusto nga pong umuwi ni Pia, ‘Hintayin mo pagdating namin diyan, marami kaming pasalubong para doon sa baby.’

“Kahit din po yung lola ko, sabi niya, ‘Sana maabutan ko yung apo ko sa tuhod.’ Lagi niya ring kinakamusta si Shanna.”

Ilang buwan na ba ang dinadala ni Shanna?

Ayon kay Sancho, “Seven weeks po.

“Dati siyang nagmo-model, pero since bed rest siya ngayon, stop po muna lahat.

“Buhay-prinsesa siya sa bahay!”

Ano ang gusto niyang maging first baby nila, boy o girl?

“Boy sana, para kunwari mawala,” sabay knock on wood, “kung maaga akong mawala, mayroon pa rin pong lalaki na magbabantay sa family ko.”

Plano raw nilang magpakasal pero malamang daw ay pagkatapos nang manganak ni Shanna.

“Ang original plan po was bago pa manganak, kaso iniisip po namin very fragile pa po yung baby.

“E, ang dami pong kailangan asikasuhin for wedding.

“Baka kakaasikaso namin ng wedding, may mangyari doon sa baby.

“Pero plano na po talaga namin magpakasal pero hindi pa po ganoon ka-sure.

“E, since nandiyan na po yung baby, gusto ko rin po na dala ng anak ko yung apelyido namin.” -- For the full story, visit PEP.