Angel Locsin reveals how Tito Sotto helped her with her spinal condition
Sa pamamagitan ng Instagram post, ikinuwento ni Angel Locsin na malaki ang pasasalamat niya sa "Eat Bulaga" host na si Senador Tito Sotto kaugnay nang pagpapaopera niya sa spine para makaiwas sa posibilidad na pagkakabalda.
Matatandaang dalawang beses sumailalim ng operasyon si Angel sa Singapore para kanyang disc bulge sa spine.
Basahin: Angel Locsin, sinimulang isailalim sa operasyon dahil sa kaniyang spine problem
Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, May 8, inilahad ng aktres na sa pamamagitan ni Maru Sotto ay nakausap niya si Sen. Sotto na siyang nagpayo sa kaniya tungkol sa gagawing operasyon
Si Maru ay kapatid ni Sen. Titto, at ama ng namayapang teen actor na si Miko, na naging nobyo ni Angel.
“After Miko, I seldom see him anymore. But he made an effort even without gain or without asking something in return,” saad ni Angel tungkol sa senador.
Ayon pa sa aktres, sinabihan siya ni Sen. Sotto na huwag sumailalim sa tradisyunal na spine operation.
“He advised me to not go through a traditional spine operation for it was very dangerous and referred me to Tita Helen's neuro-spine surgeon," ani Angel.
Nang magtungo sa Singapore, sinabihan umano si Angel ng mga duktor na mabuting nakapagkonsulta ito kaagad sa kanila dahil kung nagtagal pa ay maaaring hindi niya magamit ang kaniyang mga paa.
"I'm posting this because if it wasn't for him, I won't be able to use my legs again,” patungkol ni Angel sa senador na kaniyang sinusuportahan ngayong halalan. --For the full story, visit PEP.