Former Viva Hot Babes Andrea del Rosario, sinariwa ang bilin ng ama

Mabilis na naiproklama bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas ang former Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario.
Noong nagsimula ang bilangan noong May 10, malaki na agad ang naging lamang ni Andrea sa kanyang mga naging kalaban for vice mayor.
Kaya kinabukasan, May 11, ay naproklama siya agad.
Sa kanyang Facebook page ay nagpasalamat ang aktres sa mga sumuporta sa kanya sa bayan ng Calatagan, lalo na sa naging running mate niya na si Ms. Lenie Caisip Pantoja na dating vice mayor ng Calatagan.
“Mahal Kong Mga Calatagueños,lalo na sa lahat ng BPC's. Salamat sa inyong sacripisyo at pagtitiwala. Bagamat Hindi Ko kasama Ang karamihan sa aking partido, lalo Na Ang ating sinuportahang mayor, Gagawin Ko Ang aking tungkulin bilang bise alkalde (vice mayor) nyo sa abot Ng aking makakaya.
“Sa ngalan Ng team 'aruga at asenso', at sa aking naging partner sa Laban Na Ito , with the heart, courage and determination na lubusang matulungan Ang ating Mga kababayan....respect.......ms. Lenie Caisip Pantoja.
“Ang naging Laban Na Ito ay para sa inyo.
“Kayo po Ang panalo!
“Congratulations Calataguenos! Congratulations sa ating Mga Pilipino!!!!
“Sa Mga naging katungali, tayo po ay magkaisang muli sa ikagaganda at ika uunlad Ng calatagan.
“Salamat po! Andrea Del Rosario, Vice Mayor of Calatagan, Batangas 2016”
Sa kaniyang pagkakapanalo, hindi naiwasan ni Andrea na maalala ang sinabi sa kanya noon ng kanyang yumaong ama na balang-araw ay kailangan niyang tumakbo para makatulong sa mga kababayan nila.
Sa kaniyang throwback post, inilagay ni Andrea sa Facebook ang larawan ng kaniyang ama ay caption ito na:
“I still remember , when we were at the balcony of our house.........years ago when you said 'someday, you should run for office so you can help a lot of people'. if only you are alive to see our victory....but I know you are looking down from heaven and giving me the thumbs up! Thanks paps! #dutertemoment #dilanganghel #rippapa #thanksforthewin”
Nanawagan din ang aktres sa kaniyang mga nakatunggali na magkaisa at magtulungan para sa kanilang mga kababayan. -- For the full story, visit PEP.