Aiko Melendez, inaming nagtampo ang anak na si Andre tungkol sa bago niyang bf

(Photo by: Aiko Melendez's Instagram)
Inamin ni Aiko Melendez na nagtampo sa kaniya ang panganay na anak na si Andre Yllana dahil una niyang naipaalam sa Instagram kaysa sa anak ang tungkol sa bago niyang boyfriend na Persian businessman na si Shahin Alimirzapour.
Si Andre ay anak ni Aiko sa dati niyang asawa na si Jomari Yllana, habang ang nakababatang kapatid nitong si Marthena ay anak naman ng aktres sa second husband niyang si Martin Jickain.
Ayon kay Aiko, “Nagtampo siya sa akin. Lately lang ito, ito yung parang major na tampo niya sa akin.
“Kasi normally, pag mayroon kaming hindi pinagkakasunduan, mga three days [hindi niya ako pinapansin], ganyan.
“Eto, inabot kami ng one week and three days, bilang na bilang ko, hindi niya ako kinakausap, tapos cold treatment.
“Kasi alam naman niya na I go out on dates, he knows that, alam niya iyon.
“Ang pagkakamali ko lang talaga kasi, naamin ko in Instagram bago ko pa nasabi sa kanya.
“So, pagkakamali ko naman talaga iyon.
“I’m really sorry, son, about that.”
Pero paglilinaw ng aktres, “Hindi ko bina-bypass yung mga anak ko sa pagkakataon na iyon.
“Pero kasi ang pagkakaintindi ko at that time na alam nilang nagde-date ako at masaya ako, automatic na iyon.
“Hindi pala. Kailangan pala formality din, dapat ipaalam ko sa kanila.”
Nang tanungin kung paano nalaman ni Aiko ang pagtatampo ng anak, paliwanag ni Aiko; “Alam mo, e, kapag anak mo.
“Alam mo kung ano ang nagpapasakit sa loob niya, ano yung nagpapalungkot sa kanya.
“So, I just felt and then I told him, ‘Son, let’s talk. I’m really sorry for what I have done. I’m gonna make it up to you.’
“And I am, ‘til now, I’m making it up to him by being very honest every detail sa kanya ngayon.”
ANDRE REACTS. Samantala, inihayag naman ni Andre ang naramdaman niya nang makita niya ang Instagram post ng kaniyang mommy.
Ayon kay Andre, “Ayun, hindi ko talaga alam ang gagawin ko noon, e. Tahimik na lang ako.
“Ayun, nadala siya doon sa pagtatahimik ko.”
So, kumusta na sila ngayon ng Tito Shahin niya?
“Okay kami. Aalis kami sa Saturday. Bonding kami,” sabi ni Andre.
Natutuwa naman si Aiko na okay na si Andre kay Shahin.
Pero ayaw naman daw niyang puwersahin ang dalawa na maging super close agad sa isa’t isa.
“Slowly. I don’t want to force naman Andre and I don’t want to force Shahin.
“Parang I want Shahin to exert that effort to Andre.
“So he is naman, slowly.” -- For the full story, visit PEP.