ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vina Morales, naghain ng reklamo laban sa dating karelasyon na si Cedric Lee



PEP EXCLUSIVE. Naghain ng reklamo ang singer-actress na si Vina Morales laban sa dating karelasyon na si Cedric Lee sa San Juan Prosecutor's Office.

Ito ay kaugnay ng diumano’y sapilitang pagtangay ni Cedric sa kanilang seven-year-old daughter sa loob ng siyam na araw nang walang pahintulot mula sa kanya.

Nangyari raw ito habang nasa bakasyon si Vina sa ibang bansa kasama ang boyfriend na si Marc Lambert.

Sa eksklusibong mensahe na ipinadala ni Vina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes ng tanghali, June 7, sinabi niyang nilabag ni Cedric ang kautusan ng korte na tuwing Sabado lamang nito maaaring makita ang kanilang anak.

Pahayag ni Vina, “I filed a case against Cedric last Friday.

“I have a hearing tomorrow [June 8] at 8:30 A.M. in San Juan.

“Cedric detained my daughter forcibly without my permission for 9 days while I was away, and violated the court-approved visitation rights every Saturday.”

Ayaw sanang magsalita ni Vina tungkol sa pangyayaring ito, ngunit may mga nagtatanong na raw sa kanya tungkol dito.

“I have been quiet about it but since people are asking me now, I have to tell the truth," aniya.

Naibalik lang daw ang bata sa kanilang pamilya noong Mayo 23.

“She is only 7 years old and was confused with what happened and a bit traumatized.”

Ang tinutukoy ni Vina ay makikita rin sa Instagram post ng kanyang kapatid na si Shaina Magdayao dalawang linggo na ang nakararaan.

“HANDA NA AKONG LUMABAN.” Sa mga panayam noon sa 40-year-old Kapamilya star, hindi ito nagkokomento o sumasagot kapag si Cedric na ang paksa.

Ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan na raw lumaban ni Vina dahil sa patuloy raw na pambu-bully ng ex-boyfriend sa kanya at sa pamilya niya.

Saad ni Vina, “So, kung noon hindi ako lumalaban at tahimik ako ay dahil iniisip ko ang anak ko (meaning tatay pa rin siya ng anak ko at ayaw kong mag-comment).

“Ngayon, handa na akong lumaban para sa anak ko. May hangganan din ang pambu-bully niya sa akin at sa pamilya ko.”

Si Cedric ang pangunahing suspect sa pambubugbog sa comedian-TV host na si Vhong Navarro noong January 2014.

Mananatiling bukas ang PEP sa maaring pahayag ni Cedric tungkol sa mga akusasyon ni Vina. -- For more exclusive showbiz news, visit PEP.ph