ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Patricia Tumulak reveals crying because of bashers over Alden issue, sexy outfits



Muling pinabulaanan ni Patricia Tumulak ang isyung nag-uugnay sa kanila ng kasamahan niya sa "Eat Bulaga!" na si Alden Richards.

Dahil sa isyung ito ay inuulan siya ng batikos mula sa ilang netizens, partikular na ang mga masugid na tagahanga ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza.

At dahil sa pangba-bash na natatanggap ni Patricia, nagkusa na siyang umiwas kay Alden.

Pahayag niya, “Kasi, parang konting galaw ko, may papansin. So, hindi ko na siya kausapin. Kapag hindi ko naman siya kinausap, ‘Ay, iniiwasan.’ Hala, ambot, saan pa ba tayo lulugar diyan? Wala, naging limited.”

Alam ni Alden na umiiwas na siya?

Saad ni Patricia, “Sabi ko talaga sa kanya, ‘Huwag na tayong mag-usap kahit walang malisya. Kasi konting galaw mo lang, waley na.’ Sabi naman ni Alden, ‘Sige, respect din sa ‘yo.’"

“Kasi alam mo, si Alden, kung sino ang malapitan niya, bash. So, aware din siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patricia sa taping ng upcoming morning drama series ng GMA Network at TAPE Inc. na Calle Siete nitong Lunes, June 6.

Ang Calle Siete ang papalit sa magtatapos nang Princess in the Palace.

Kasama ang PEP sa second batch na nag-interview kay Patricia at iba pang cast members ng Calle Siete kahapon.

At inamin niyang noong first batch ng interview ay naluha na siya dahil sa isyu sa kanila ni Alden.

Saad ni Patricia, “Ako kasi, positive ako, dedma, keber, dumating sa point na nakalimutan kong mag-delete [ng comments]. Ang nanay ko kasi, mahilig magbasa. Nabasa niya yung isang comment, humagulgol siya."

“Doon lang ako na-trigger na kailangan ko nang gumawa ng move. Kasi, grabe talaga yung mga comments. Ito yung, ‘nanganak na, nagpalaglag, pokp*k na teacher, bakit nagpapa-cute, ang landi mo kay Alden…’”

Patuloy niya, “Yung mga retoke issue, okay lang, kasi totoo naman."

"Pre-school teacher ako dati. Nag-Miriam grade school ako, nag-public school ako, nag-small school ako. Pero yung ibabalik mo na ‘malanding teacher ‘yan, teacher ka pa naman…’"

Ang dahilan daw ng mga komentong ito sa kanya ay dahil sa pananamit niya.

Paliwanag naman ni Patricia, “May stylist po ako. Ang image ko sa Eat Bulaga, beauty queen ako, ayaw ko man, gusto ko man na maging casual, iba-ibang image kami sa hosting."

“So, delete and block. Nakalimutan ko lang magbura kasi mas naunang magbasa si Mama. Alista ako, never akong nagkuwento kay Mama. Pag umuuwi ako sa bahay, happy."

“Kaya noong umiyak siya, doon ko lang sinabi na bina-bash ako, wala siyang clue. Ang sabi niya, ‘Bakit may ganitong magsalita sa ‘yo na tao na grabeng makapanghusga?’”

Sa lahat ng pangba-bash sa kanya, ang pagsira sa reputasyon niya bilang isang teacher ang pinakanasaktan siya.

“Noong idinamay na yung pagiging teacher ko. Yung malandi, nagpapa-cute, nagse-seduce. Dyusko, ‘Day!"

“Ang downside kasi nun, yung family ko ang affected. Na parang gustuhin mo mang mag-step up, wala. Kaya sabi ko, ‘Ma, baka part ‘to ng industry.’ Papansinin ka talaga, pero may downside yun.”

Sabi pa niya, “Pero kung alam mong wala kang tinatapakang tao, magpakatotoo ka lang, makikita yun without even defending yourself, without even pleasing everyone.” —PEP

For the full story, visit PEP.