ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP SCOOP: Cedric Lee to file six libel cases against Vina Morales


 

Sinagot ni Cedric Lee ang mga bagong paratang ng ex-girlfriend niyang si Vina Morales sa panayam ng singer-actress sa media noong Miyerkules, June 8, sa San Juan Regional Trial Court, San Juan City.

Nilinaw rin ng negosyante na hindi panibagong reklamo ang isinampa ni Vina laban sa kanya kundi motion lamang ito upang matigil pansamantala ang kanyang visitation rights sa anak nilang si Ceana, 7.

Eksklusibong nagpadala ng pahayag si Cedric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes ng tanghali, June 1o.

Panimula niya, “Just to clarify things, Vina did not file a new case against me but simply filed a motion to cease my visitation rights due to the alleged trauma Ceana experienced whilst she was spending time with me.”

Pinagbigayan naman ng korte ang naturang kahiligan ni Vina at binigyan ang kampo ni Cedric ng limang araw upang sagutin ang naturang motion ni Vina.

Nakakuha na rin ang PEP ng kopya ng magiging sagot ng kampo ni Cedric sa mga akusasyon ni Vina, ngunit hindi pa namin ito maaaring isapubliko dahil ipapasa pa lamang nila ito sa korte.

SIX LIBEL CASES. Unang lumabas sa PEP ang balitang naghain ng reklamo si Vina laban kay Cedric nitong Martes, June 7, dahil sa diumano’y puwersahang pagtangay ng negosyante sa kanilang anak sa loob ng siyam na araw.

Kasalukuyang nasa Switzerland noon si Vina kasama ang boyfriend na si Marc Lambert upang magbakasyon.

Mariing itinanggi ni Cedric ang akusasyong ito ni Vina.

Karapatan daw niyang makasama ang anak ng sampung araw dahil sa mga utang ni Vina na visitation rights sa kanya.

Nagpadala pa si Cedric sa PEP ng mga larawan nila ng anak upang patunayang masaya ang bata habang nagba-bonding silang mag-ama.

Dahil punung-puno na raw siya sa mga kasinungalingan ng ex-girlfriend, magsasampa na si Cedric ng anim na kasong libelo laban kay Vina sa darating na linggo.

“I will be filing 6 libel cases against Vina next week for things she has been saying about me publicly that are untrue.

“Her allegations about me bullying her can easily be debunked by court documents with evidence of screen shots of her text messages to my lawyer.

“My lawyer has been liaising with Vina for three years now.”

Dagdag pa ni Cedric, “My sister [Bernice Lee] will also be filing a libel case against Vina because she accused my sister about something she doesn’t even know about.

“She just arrived from a 10-year stay in the US and visited Ceana on that particular Saturday morning (as she always did) and now she is being accused by Vina regarding setting up the former yaya.

“To further clarify her malicious statements about me using her former yaya to bully her, the dog fight between the former staff of Vina and my former driver shouldn't be my issue.

“The former yaya is known to be rude and I have experienced this myself, however, I cannot be held accountable for whatever rift our personal staff had.

“It is true that someone lost money and we assisted in filing a case against the former yaya after further investigation, which we withdrew out of good faith when Vina asked me to.

“Vina fired the same household help after she discovered her true character.”

Kinontra rin ni Cedric ang pahayag ni Vina na na-trauma raw ang anak dahil sa nangyari.

Sa tingin ni Cedric, hindi na-trauma ang kanilang anak sa walong araw nilang pagba-bonding kundi sa pananakot na ginawa ng singer-actress sa kanilang anak sa telepono.-- For full story, visit PEP.ph