ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria, hiwalay na


Kinumpirma nina Cavite vice governor Jolo Revilla at ng aktres na si Jodi Sta. Maria na hiwalay na sila.

Taong 2012 nang mapabalita ang relasyon ng dalawa.

Sa isang ulat ni Rachelle Siazon sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabing kinumpirma ni Jodi na nagwakas na ang relasyon nila ni Jolo nang makapanayam ito sa programang Tonight With Boy Abunda nitong Martes ng gabi.

Pahayag ni Jodi, “No, we are no longer together, but we are friends.”

Sa hiwalay na ulat naman ni Gorgy Rula sa PEP, kinumpirma rin ni Jolo ang naturang breakup nang tawagan ang bise gobernador sa telepono.

Nagdalawang-isip pa raw muna si Jolo na magbigay ng pahayag kaugnay sa isyu.

Pero sa huli ay sinabi nito na, “Yes, it’s true. It was a mutual decision. I wish her the best.”

Tumanggi na raw magbigay ng detalye si Jolo tungkol sa hiwalayan nila. Mas gusto raw niyang tahimik na lang at mag-move on na.

Mas gusto raw niyang mag-focus ngayon sa pagpapatuloy ng pagsisilbi niya sa Cavite bilang vice governor. -- FRJ, GMA News