ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado proud of Encantadia's enduring legacy: 'Kilala pa rin nila'


 

Kahit may titulo na siyang 'Ultimate Star,' never naman daw naging choosy si Jennylyn Mercado sa makakapareha niya.

Alam din daw ito ng network o production na nakakatrabaho niya.

Kaya para kay Jennylyn, kahit sino naman daw ang ibigay na leading man niya sa bago niyang magiging teleserye sa Kapuso network ay walang magiging isyu o problema sa kanya.

Pero kung may gusto man daw siyang mangyari ngayon, mas nais daw niya sanang maging mas magaan ang tema ng teleseryeng gagawin niya.

Ayon kay Jennylyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang cooking show sa GMA News TV, ang Everyday Sarap with CDO, “Kasi palagi kong ginagawa sa GMA, drama.

“Parang ngayon, ang gusto ko naman, light.”

Biniro namin siya na dalawa na ang titulo niya: Romcom Queen at Ultimate Star.

“Ikaw lang ang may sabi niyan!” natawang sagot naman nito.

BONDING WITH JAZZ. Sa ngayon daw, dahil nag-aaral na ang anak niyang si Jazz, mas madalas daw na wala ito sa bahay kaya basta may oras siya ay sinisigurado niyang nagkaka-bonding silang mag-ina.

Lahad niya, “Grade 1 na kasi si Jazz. Mas matagal na siyang nawawala sa bahay.

“Minsan, 2-3 p.m. na siyang nakakauwi.”

Tinatanong na ba siya ng anak kapag napapanood siya sa mga roles niya?

“Hindi, hindi namin siya pinapapanood. Mga cartoons pa rin ang pinapanood niya,” pagklaro niya.

Aware ba si Jazz na ang kanyang ina ay isa sa mga sikat na artista ngayon?

Aniya, “Alam niya na artista 'ko, kasi sinasama ko siya sa pictorial.

“Pero parang normal pa rin.

“Parang ang iniisip niya, 'Okey, normal pictorial lang ‘yan,' tapos uwi sa bahay, laro.”

FANTASERYE'S ENDURING LEGACY. Isa rin si Jennylyn sa mga orihinal na miyembro ng cast ng Encantadia noon.

Ginampanan niya ang papel ni Lira.

Yung full trailer pa lang daw ang napanood niya.

“Yung full trailer pa lang nila ang napanood ko. Wala akong masabi. Ang ganda!

“Kasi noong nagsimula ang Encantadia, parang tayo na ang may pinakamagandang [special] effect nung panahon na yun.

“Pero ngayon, wala akong masabi. Ang ganda talaga,” diin niya.

Kung sakali at i-request na mag-guest siya, okey sa kanya?

“Oo naman, bakit hindi?” saad niya.

Sa ngayon, parang big deal sa mga artista na maging bahagi ng Encantadia. May ganung pakiramdam ba talaga?

Pagmamalaki niya, “Ang Encantadia kasi is, I think, isa sa pinakamahaba at longest-running show.

“Isa rin sa matataas ang rating, 'di ba?

“Noon, 11 years ago, I think, napaka-big deal kung magiging part ka ng production.

“Hanggang ngayon, naaalala pa rin ng mga tao ang dating Encantadia.

“Kilala pa rin nila. Pati sila Imaw, kilala pa rin nila. Ako nga, hindi ko na maalala.

“Kaya parang ang daming natuwa nang bumalik siya.”

Read more at http://www.pep.ph/news/63970/jennylyn-mercado-proud-of-emencantadiaems-enduring-legacy-kilala-pa-rin-nila#j5PcKw3206JfvZ7v.99