ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ralph Noriega admits crush on Janine Gutierrez


 


Ang GMA-7 actress na si Janine Gutierrez ang gustong maka-partner balang araw ng baguhang teen actor na si Ralph Noriega.

Ayon sa 17-year-old Kapuso teen, si Janine daw ang pinaka-crush niya sa mga babaeng artista ngayon.

Sabi niya, “I know that she’s older than me, pero okay lang naman po. Maganda po kasi si Janine. Noon ko pa siya crush at sana nga po, makatrabaho ko siya sa isang teleserye."

“Sobra akong magiging masaya. Parang worth it ang pag-aartista ko kapag nakasama ko na si Janine sa isang project.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ralph sa press launch ng bagong GMA primetime teleserye na "Someone To Watch Over Me" noong nakaraang August 22 sa Le Reve Events and Pool Place in Quezon City.

Someone To Watch Over Me

Gumaganap si Ralph bilang nakakabatang kapatid ni Tom Rodriguez sa naturang teleserye.

Ayon kay Ralph, pinatanda raw siya ng ilang taon para sa role niya bilang isang nursing student.

“Ginawa po nila akong twenty-plus sa role ko as a nursing student na mag-aalaga kay Kuya Tom noong magkaroon siya ng early onset ng Alzheimer’s disease. Bumagay naman daw po sa akin kasi matangkad ako for my age. Papasa na nasa twenty-something ang age ko."

“Binibiro nga po ako ni Kuya Tom na huwag ko siyang i-kuya dahil mas matangkad daw ako sa kanya. Ako raw ang dapat na tinatawag niyang kuya!” tawa pa niya.

Natuwa raw ang baguhang aktor dahil sa kabaitan na pinakita ni Tom sa kanya noong nagte-taping na sila.

Lahad niya, “Kuya Tom always helps me. He gives me some acting advice. Tuwing magka-eksena kami, talagang tinutulungan niya ako, binibigyan niya ako ng mga pointers kung paano gagawin yung mga scenes namin."

“Natuwa nga po ako, kasi hindi ko inaasahan na gano’n siya ka-supportive sa baguhan na katulad ko.”

Naka-adjust na nga raw si Ralph sa buong cast ng kanilang teleserye at lahat daw ay mababait at madaling lapitan.

Saad niya, “Approachable po silang lahat. Kasi ako po yung pinakabago dito sa cast. Pero sobrang mababait silang lahat.

“Kaya ang sarap magtrabaho sa set. Lahat po sila masayang kasama sa eksena.”

Unang naging TV project ni Ralph ay ang teleserye na Poor Señorita kung saan bida si Regine Velasquez-Alcasid.

Love life

Sa edad ngayon ni Ralph ay wala pa raw itong nagiging girlfriend.

Aniya, “Huwag daw po muna akong maging serious sa babae. Okay lang yung pa-date-date lang. Bata pa naman po ako."

“Tsaka uso sa aming mga millenials ang M.U. [mutual understanding]. Ibig sabihin, walang commitment with one another. Mas safe daw kapag M.U. muna.” —PEP

For more showbiz stories, visit PEP.