Aiza Seguerra and Liza Dino postpone plan to undergo IVF
Hindi matutuloy ang plano ni Aiza Seguerra at asawang si Liza Dino na magkaroon ng baby ngayong taon sa pamamagitan ng in vitro fertilization o IVF.
Nauna nang pinlano ng dalawa na tumungo sa US later this year upang sumailalim sa IVF.
Pero inanunsiyo ni Aiza sa kanyang Instagram account na hindi muna ito mangyayari ngayong taon.
"I had to tell Amara [anak ni Liza] na baka hindi matuloy this year ang IVF namin ni Liza dahil bukod sa hindi kami makaalis ng bansa nang matagal, medyo mahal ang magagastos at hindi kami handa maglabas ng ganon kalaking halaga,” simula ng Instagram post ng singer at kasalukuyang National Youth Commission Commissioner.
Si Liza naman ay in-appoint bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Nabanggit din ni Aiza sa post na aabot sa P1 million ang kanilang magagastos para sa IVF.
Ipinost ni Aiza ang comics na ginawa ni Amara tungkol sa pag-uusap nila sa plano sana nilang magka-baby.
Kuwento ni Aiza, “Mukhang hindi naalis sa isip niya [Amara] yung sinabi ko dahil pag-uwi namin, ito ang sumalubong sa amin. Isang comics na ginawa ni Amara. ‘Our baby is 1 million pesos?’ Hahahahaha!!!
“Di bale, ipon muna nang konti tapos itutuloy na natin yang baby sister or brother mo, ok?:)”
Samantala sa comments section, isang netizen ang nagtanong kay Aiza kung bakit kailangan pa nilang pumunta sa US para sa IVF kung posible naman ito sa Pilipinas.
Sagot ni Aiza, ”Unfortunately, dahil kami po ay hindi kinikilalang mag-asawa dito sa Pilipinas, hindi po namin ma avail ang serbisyo na iyan.”
Sa nasabing proseso, manggagaling ang egg cell kay Aiza at kukuha ng sperm donor habang si Liza naman ang magdadala ng bata sa kanyang sinapupunan. -- For more showbiz news, visit PEP.ph