ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Arthur Solinap wants to marry Rochelle Pangilinan this year


Pagkatapos mag-propose ng Kapuso actor na si Arthur Solinap sa girlfriend na si Rochelle Pangilinan noong February 2016, wala na halos nababalitaan sa mga plano nila at kung kailan sila magpapakasal.

Paliwanag ni Arthur, “Nag-aayos pa kasi. Gusto ko siya ang tumutok, nandoon siya.
“E, busy siya ngayon dahil sa Encantadia.

“Kapag ako, okey na ako. Kung ako ang paayusin, 'Okey na ‘to!'

“Yung wedding naman, day ng girl yun, di ba?”

Plano raw nilang sa magpakasal sa Tagaytay, kung saan din nag-propose si Arthur kay Rochelle.

Pero kailan talaga nila planong magpakasal?

Ayon kay Arthur, “Ang sabi niya, February next year.

“After na ng ber months, at least, maluwag na raw ang schedules.

“Pero ita-try ko pa rin habulin this year kung sakali at okey ang venue.

“Kaya naman palang ayusin ng three weeks or one month, e, di tuloy na.”

Christian at garden wedding daw ang plano nilang seremonya.

Sabi pa ni Arthur, “May mga gusto akong pakana, simple and intimate Christian wedding lang na may kakaibang twist.

“Sana small wedding lang, pero parang mahirap, kasi sa family pa lang namin, ang dami na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arthur sa grand presscon ng Oh, My Mama!, ang bagong panghapong teleserye ng GMA Network. -- For the full story, visit PEP.ph