ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Toni Gonzaga gives birth to first child with Paul Soriano


 


Nagsilang na si Toni Gonzaga sa unang anak nila ng mister niyang si Paul Soriano nitong Biyernes ng umaga, September 30, sa St. Luke's Global City, Taguig.

Ibinalita ni Paul ang pagdating ng kanilang baby boy sa kanyang Instagram post ngayong umaga.

Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak bilang Severiano Elliott Gonzaga Soriano o Seve, na lumabas bandang 5:32 A.M. kanina.

Si Seve ay may timbang na 7.2 lbs.

Sabi pa ni Paul tungkol sa kanyang mag-ina, 'Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you all for your prayers and support!! God bless.'

 

 

mommy @celestinegonzaga #GodisGood #BabyBoy

A photo posted by Paul Soriano (@paulsoriano1017) on

 

Dalawang araw bago niya isilang si Seve, nagpahiwatig si Toni na handa na siyang manganak, base sa kanyang Instagram post noong Setyembre 28.

Sabi ni Toni sa caption ng naturang post: 'Ready when you are... @paulsoriano1017.'

 

 

Ready when you are.. ???? @paulsoriano1017

A photo posted by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

 

Bago ito ay dumalo pa si Toni sa premiere night ng pelikula ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga, ang My Rebound Girl, noong Martes, September 27.

Ito ay sa kabila ng nakakaramdam na siya noon ng contraction o paghilab ng kanyang tiyan. —PEP

For more showbiz stories, visit PEP.