ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP report: Jake Ejercito confirms being the father of Andi Eigenmann's daughter


Sa kauna-unahang pagkakataon ay tahasang inamin ni Jake Ejercito na siya nga ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Sa kanyang pagkapanalo bilang Best New Male TV Personality sa Star Awards for Music and Television kagabi, October 23, isa sa mga natatanging pangalang binanggit at pinag-alayan ni Jake ng kanyang award ay si Ellie.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Jake ang mga katagang “to my number one inspiration, my princess, my Ellie… this is for you.”

Nanalo si Jake para sa kanyang pagganap sa Lenten special ng Eat Bulaga! na God Gave Me You, na pinagbidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake, sa backstage ng Monet Ballroom ng Novotel Hotel, tinanong namin ang kanyang nararamdaman pagkatapos banggitin ang pangalan ni Ellie sa speech niya.

Saad ng reluctant actor, “Actually, it’s very relieving na ngayon napag-uusapan ko na siya very openly.

“I mean, hindi naman deserve ni Ellie na, you know, na itago.

“Never ko naman siyang ikinahiya, e.”

Matatandaang pumutok ang balitang si Jake ang tunay na ama ng anak ni Andi nang isiwalat ng half-sister ng aktres na si Max Eigenmann, sa podcast ng Good Times With Mo, na nagkaroon diumano ng DNA test.

Kung hindi nagsalita si Max, posible kayang tumagal pa bago siya maging open sa kung ano talaga ang koneksiyon niya kay Ellie?

Mabilis na sagot ni Jake, “You know what, honestly, I wouldn’t know.

“Kasi ako naman, I’ve never denied it naman, e. Never pinpointed on anyone.

“All I wanted is to protect Ellie. Kasi ayoko talagang pag-usapan.”

Diretsahang inamin ni Jake sa PEP na kadugo niya talaga si Ellie.

Aniya, “Yeah. Never ko namang idinenay, e.

“Siguro yung mga times I didn’t answer directly or straightforwardly, it’s all because I was trying to protect Ellie.

“Kasi, di ba, ang daming parties involved, e.”

Kailan niya nalamang anak nga niya si Ellie?

“Mga ano na... a year ago,” sagot ni Jake.

Inamin din ni Jake na dumaan sa DNA test ang pagkumpirma sa pagiging mag-ama nila ni Ellie.

“DNA, yes,” sambit niya.

For the full story, visit PEP.