Ethel Booba reconciles with estranged father after 15 years

Masayang ibinalita ni Ethel Booba na nagkaayos na sila ng kanyang ama pagkatapos ng 15 taong hindi pagkakasundo.
Nagkaroon daw ng pagkakataong muling magkita ang mag-ama nang pumanaw ang stepmother ni Ethel noong nakaraang taon.
Lahad ng comedienne, “Ang stepmom ko ang naging balakid. Siya yung hindi kami binibigyan ng chance na makita yung father ko.
“Talagang kumakatok ako sa GenSan, itinatago niya talaga yung father ko, inila-lock niya."
Matatandaang noon pa man ay bukas na si Ethel sa pagsasabing “mabigat” ang pinagdaanang hirap ng kanyang pamilya.
Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, napunta ang comedienne sa poder ng kanyang ina, habang ang ama niya ay nagkaroon ng ibang pamilya sa kanilang hometown sa General Santos City (GenSan).
Panganay si Ethel sa limang magkakapatid. Hiwalay pa rito ang mga kapatid sa ama at kapatid sa ina ng comedienne.
At nitong nakaraang taon nga ay pumanaw na ang kinakasama ng kanyang ama.
Patuloy na kuwento ni Ethel, “Nung nategi yung stepmom ko last year [saka kami nagkaayos ng father ko].
"Nung nawala na yung stepmother ko, mabuti yung anak niya mabait. Siguro nangulila rin sa nanay.
“Nakipag-close ako sa kanya, na parang binibigyan ko siya ng payo. Twenty-two years old siya, babae.
“Siya yung naging bridge namin ng father ko para mag-meet kami ulit.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ethel sa presscon ng libro niyang inilathala ng VRJ Books, ang #Charotism: The Wit and Wisdom of Ethel Booba.
Dito ay ibinahagi ni Ethel na hindi pa rin siya makapaniwalang naisalibro ang witty punchlines na hilig niyang i-post sa kanyang Twitter account. -- For the full story, visit PEP.ph