ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
SINGLE NA MULI

Daiana Menezes confirms divorce from former Rep. Benjo Benaldo


 

Single na muli si Daiana Menezes.

Ito ay matapos i-grant ng Nevada Court ang kanyang divorce papers mula sa dating asawang si former Cagayan de Oro Rep. Jose Benjamin “Benjo” Benaldo.

Isang simpleng “Yes” ang tugon ni Daiana sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang usisain namin tungkol sa divorce status nila ng dating kongresista.

Nakausap ng PEP ang Brazilian TV personality sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram ngayong Martes ng hapon, December 20.

Hindi na nagbigay ng karagdagdang detalye si Daiana tungkol dito.

Ikinasal sila sa Las Vegas, Nevada noong 2012.

Halos dalawang taon naman na silang hiwalay si Daiana kay Benjo.

Nitong nakaang Agosto 2016, kinumpirma ni Daiana na nag-file siya ng divorce at dalawa pang hiwalay na reklamo laban kay Benjo—temporary protection order (TPO) at restraining order. -- For more showbiz news, visit PEP.ph