ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Luis Alandy set to marry non-showbiz fiancée in February


Ikakasal na ang aktor na si Luis Alandy, 36, sa kanyang non-showbiz fiance na si Joselle Fernandez, 23, sa susunod na buwan.

Halos dalawang taon silang naging mag-steady hanggang sa nagdesisyon silang gusto na nilang magpakasal.

Sa kuwento ni Luis, nagkakilala sila ni Joselle sa isang event ng gym na pareho nilang pinupuntahan.

Hindi pa man daw niya naiisipang yayain itong magpakasal, ramdam na raw ni Luis na ito ang gusto niyang makasama habambuhay.

Pahayag pa niya, "Oo, e, sobrang parang... very cliche.

“Pero yung hinahanap ko na someone to be with, siya yun, e.

"Very good family values, sobrang bait niya rin, so siya na talaga."

Tubong-Tondo daw si Joselle hanggang lumipat ang pamilya nito sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa puntong ito ay napag-usapan ang kanilang wedding plans.

Lahad ni Luis, "Sa Tagaytay kami ikakasal.

"Garden wedding, kasi Christian siya, ako din.

"Mostly non-showbiz ang invited, konti lang sa showbiz.

"Hindi siya engrandeng wedding. Hands-on kami pareho, pero may events organizer naman."

Excited na raw talaga si Luis sa pinakaimportanteng pagbabago sa buhay niya.

“Oo, sobra! Ilang tulog na lang... less than a month na lang."

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa presscon ng pelikulang Swipe (Now Searching) ng Viva Films noong January 23.

Kasama niya sa pelikulang ito sina Meg Imperial, Alex Medina, at Maria Isabel Lopez.

Kahit mahigit sampung taon ang pagitan ng kanilang edad, hindi raw ito naging hadlang sa pag-iibigan nina Luis at Joselle.

Ayon sa aktor na nangingiti, "Hindi namin kami halata na may gap, yun ang biro ko sa kanya. Magkasundo naman kami sa lahat ng bagay." For the full story, visit PEP.ph

Tags: luisalandy