ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gardo Versoza teases Maine Mendoza and Alden Richards, 'Kayo na ba?'



Inamin ni Gardo Versoza na madalas niyang tuksuhin si Maine Mendoza kay Alden Richards.

Kaugnay ito ng obserbasyon ng beteranong aktor sa phenomenal love team nina Alden at Maine kapag nasa taping sila ng upcoming Kapuso primetime series na "Destined To Be Yours."

Pahayag ni Gardo, "Nakakatuwa sila kasi, kumbaga, iba ang pagtitinginan nila sa isa't isa.

"Like minsan, napag-uusapan namin ni Maine, sabi ko, 'Ang sarap nung ganyan kasi, gumagaan ang trabaho.'

"Kumbaga, kapalagayan mo ng loob, kahit paano may pitak sa puso mo.

"Kahit paano, nakaka-inspire.

"So yun, yung trademark niyang pangiti-ngiti."

Tatay ni Maine ang ginagampanang papael ni Gardo,, kaya mas madalas silang magkasama sa set ng kanilang teleserye sa Quezon province.

Ramdam daw ni Gardo na may kakaibang pakiramdam ang dalaga para kay Alden.

Aniya, "Oo, kapag kunyari mababanggit mo, ngingitian ka.

"'Tapos kapag tinatanong ko, 'Ano, kayo na ba?' Ngingiti, tapos tatalikod.

"Sabi ko, 'Ano, ano? Sagutin mo?'”

Ang paiwas na sagot lang daw ni Maine, "'Wag na, Kuya Cupcake.'"

Ang tinukoy ni Maine na Kuya Cupcake ay si Gardo, na ang Instagram handle name ay @gardocupcake.

Hinuhuli din daw ni Gardo kung ano naman ang saloobin ni Alden kay Maine.

Lahad ni Gardo sa usapan nila ni Alden, “Biniro ko rin naman siya na, 'O kumusta naman ang lovelife mo? Hindi ba kayo nahihirapan dito?'

"Sabi niya, 'Kuya Cupcake, sa ibang bansa na nga lang.' Ha-ha-ha!

"Sabi ko, ‘Baka kailangan ng chaperon, puwede ako.’"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang beteranong aktor pagkatapos ng grand presscon ng "Destined To Be Yours" na ginanap sa B Hotel, sa Quezon City, noong February 14. -- For the full story, visit PEP.ph