Rocco Nacino finally gets closure on relationship with Lovi Poe

Halos isang taon na ang nakalilipas mula pumutok ang balita tungkol sa breakup ng Kapuso stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino, ngunit ngayon lamang sila nagkaroon ng closure.
READ: Rocco Nacino admits breakup with Lovi Poe
Ito ang inamin ni Rocco nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA primetime series na Encantadia noong Martes, March 21.
“May closure na kami ni Lovi,” nakangiting sambit ng aktor.
Nangyari raw ang pag-uusap nila sa pagmamay-aring restaurant ni Gabby Eigenmann sa Ortigas Center, ang Stockpile, kamakailan lamang.
Kuwento ni Rocco, “Si Kuya Gabby, nag-invite, parang nightcap lang, yung grupo namin sa Beautiful Strangers.
“Nakita ko yung opportunity na mapag-usapan, i-open yung sa amin.”
Ang Beautiful Strangers ay ang primetime series ng GMA Network noong 2015, kung saan naging co-stars sina Rocco, Lovi, at Gabby. Kasama rin nila sa cast sina Heart Evangelista, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, at Benjamin Alves.
Pagpapatuloy ni Rocco, late na siyang dumating. Hindi na raw niya naabutan si Heart, at nalaman niyang nandoon pala si Lovi noong papunta na siya.
“Nag-usap na kami, umabot kami ng alas-kuwatro ng umaga.
“Pinag-usapan namin ang buong relationship, what went wrong… kumustahan din kami.
“It was very mature, very mature ang usapan.
“Pagkatapos, ano na, sobrang gaan.
“Yun pala ang feeling nun, pagkagising ko the next day, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.”
Inamin ni Rocco na nang magkita sila ni Lovi ay nakaramdam pa rin siya ng pagkailang.
Sino ang naunang bumati sa kanila?
Ayon sa StarStruck alumnus, “Sabay, sabay. Bumati ako, ako ang parating.
“Siyempre ako, mahilig akong humirit, e. Una, puro asaran lang.
“Tapos, sabi ko, ‘Puwede ba tayong mag-usap?’ Yun na yun.
“Napansin siguro nila Kuya Gabby, umuwi na sila.”
Naiwan daw silang dalawa ni Lovi sa restaurant. -- For the full story, visit PEP.ph