LJ Moreno, ipinagdarasal na makalaya na ang pinsang si Mark Anthony Fernandez

Matagal-tagal na raw nang huling madalaw ni LJ Moreno sa kulungan ang pinsan niyang si Mark Anthony Fernandez.
Ang ama ni LJ at ang ina ni Mark na si Alma Moreno ay magkapatid.
Nakapiit si Mark sa Pampanga Provincial Jail matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan noong October 2016.
Kuwento ni LJ, “Noong una, di ba, presinto lang?
“Pumunta kami din, si Winwyn [Marquez] kasama ko. Noong nilipat na siya, pumunta kami.
“Siyempre, nakaka-break ng heart.
“Noong nagpunta kami, sabi niya, ‘Help me get out.’ Nakaka-break ng heart.
“Sabi ko kay Jimmy, ‘I wanna visit him again.’”
Si Jimmy Alapag, dating PBA player, ang mister ni LJ.
Noong nakalipas na Pasko pa raw ang huli niyang bisita kay Mark.
“So, kailangan ko nang mag-visit. Pero yun nga, ang hirap.
“Nakakaawa. Pero you cannot do anything naman.
“Parang feeling mo, hindi ka makahinga.
“Parang helpless, parang ano ba ang puwede niyang gawin.”
Patuloy niya, “Ang maganda kasi kay Kuya, kahit saan mo siya ilagay, makaka-adjust naman.
“Love din naman siya ng mga tao dun.”
Ipinagdadasal daw ni LJ na makalaya rin ang kanyang pinsan.
“Kasi, yun nga, like I've said, I'm not saying na marijuana is okay, but it sucks na kung kailan clean naman na talaga siya, dun talaga nag-positive sa kanya.
Dagdag pa niya, puro pamilya na raw ang nasa isip ng kaniyang kuya Mark at plano raw nito na bumalik sa ina.
Dagdag ni LJ, kumuha ang Tita Alma niya ng matutuluyan sa Pampanga para mas malapit at madali nitong mapuntahan ang anak. -- For the full story, visit PEP.ph