Gloria Romero sa pagiging aktibo pa rin niya sa showbiz: 'I love what I’m doing'

Sixty-eight years o halos pitong dekada na sa showbiz ang tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Gloria Romero.
At sa loob ng panahong ito ay nananatili siyang aktibo, mapa-pelikula o telebisyon man.
Ano dahilan at hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa pag-arte? Karamihan ng mga kasabayan niya noon ay matagal nang nagretiro sa pag-arte at ang iba ay pumanaw na.
“I love what I’m doing,” nakangiting pahayag ng 83-year-old actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Kasi, kung hindi ko rin naman mahal ‘to, matagal na rin akong nag-resign at nagpahinga na lang, di ba?
“Nagtiyaga ako, kasi it’s my passion, it’s my dream.
“Childhood dream… hindi na child, matandang dream na rin!” natawang sabi ni Tita Gloria.
Pero aminado ang beteranang aktres na may panahon din namng naisipan niyang tumigil na sa pag-aartista.
Saad niya, “Kapag panahong may mga problema, that I said, ‘Teka muna, pahinga muna ako so I can also attend to what I have to do.’
“Pero kapag may dumadating na bagong script at nabasa kong cute, ayan na naman, nabubuhayan na naman ako ng loob.”
Nang banggitin namin ang pagiging “movie queen,” nakangiting reaksiyon ni Tita Gloria, “Naku, ‘yang Queen na ‘yan, ibinigay na lang ng press people yun, pero thank you.”
OLD AND NEW STARS. Sa tinagal-tagal niya sa industriya, halos lahat ng artista ay nakatrabaho na niya.
Ayon pa kay Tita Gloria, “Marami kasing nag-resign na, marami kasing nagpunta na sa ibang bansa. Maraming ayaw na.
“Ang palagi nilang sinasabi, ‘Ay, Tita Gloria, hindi na namin kaya ang mga hours.’
“Sabi ko, ‘Hindi, sa ating matatanda na, binibigyan tayo ng mga cut-off.’
“Tapos ang sabi pa nila, aside from that, yung memorization.
“Sabi ko, totoo ‘yan. Kasi, palaging nagmamadali kapag soap.
“Minsan lalabas na ng gabi and we have to do it right away at yung dialogue sa on the set.
“Kaya kailangan talaga, sharp pa rin.”
Wala naman daw siyang naranasang hindi maganda sa mga nakatrabaho niya, kahit yung mga baguhang artista.
“Lahat sila magagalang, marerespeto sa mga katulad naming seniors.
“They’re very, very nice, edukado sila.
“Kapag kami ang nakakaeksena nila, on time sila palagi.
“Kasi alam nila na, ‘Naku, on time palagi ang mga lumang artista na ‘yan, we have to be on the set,’ and they do.”
Dalawang shows ngayon ang tinatampukan ni Tita Gloria sa GMA Network, na naging tahanan na niya nitong nakalipas na anim na taon.
Maliban sa primetime series na Meant To Be, kung saan gumaganap siya bilang cool lola, si Tita Gloria ang bida sa bagong weekly fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko, na magsisimula nang mapanood sa April 30. -- For the full story, visit PEP.ph