ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Impostora' star Kris Bernal, nanindigang 'di siya retokada



 

Naninindigan si Kris Bernal na hindi siya nagparetoke.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pamumuna ng ilang bashers na nagpagawa raw siya ng dibdib, ilong, at labi.

Hindi ito nalalayo sa kanyang role sa upcoming GMA afternoon drama series na "Impostora," na kuwento ng isang dalagang inoperahan upang maging maganda at magpanggap bilang ibang tao.

Tampulan din ng online bashing si Kris, at madalas pang akusahan na may eating disorder dahil daw sa kanyang pagiging sobrang payat.

Himutok ng Kapuso actress sa mga birada tungkol sa kanya, “Yes, talagang ang hirap for someone na parang sinasabi nilang nagparetoke ka, tapos alam mo naman na, ‘Anong nagbago?’

"Kasi, parang ngayon, lahat naman puwedeng magawan ng paraan.

"Like, for example, super dyina-judge nila ako from head to toe.

“Sometimes they tell me I had a nose job. Nagpakapal daw ako ng labi.

"When, sometimes it’s really just lipstick na ino-overline ko lang.

“Tapos yung nose, sometimes it’s noseline.

“Sometimes yung boobs, color lang ng cleavage or let’s say I put silicon.

“Sa legs naman, if gusto mong magmukhang matangkad, it just depends on the angle.

“So, parang there’s so much you can do na it doesn’t mean that you had a surgery.

“Yun din ang gusto kong sabihin sa tao na if you see something different in a person, don’t judge right away na, ‘Ay, nagparetoke na agad ‘yan.’

"You have to consider also is it just the make-up, is it just the outfit, na nagkaroon siya ng boobs or whatever."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa press conference ng Impostora, na ginanap sa GMA Network Center, nitong Lunes, June 5.

Pag-amin pa ng "StarStruck" Season 4 alumna na napapagod na siya sa akusasyong nagparetoke siya.

"Super-napapagod na ako," pakli ni Kris.

"As in, parang feeling ko, nasanay na ako na every time na I will post a sexy photo, parang, ‘Okay, be ready Kris, it’s gonna be bashed and it would have more than 200 comments.’”

Sa kabila nito, sinisikap pa rin daw ni Kris magbasa ng ibang komento para sa constructive criticisms. -- For the full story, visit PEP.ph