PEP: Mom of actress says nude photos are fake
Kalat na kalat sa Internet ang diumano'y nude photos ng young actress na si Ira Eigenmann, anak ng aktor na si Mark Gil sa dating aktres na si Irene Celebre, na nag-aartista rin. Si Ira ay kasama sa afternoon soap ng ABS-CBN na Prinsesa ng Banyera. Kani-kanina nga lamang ay naglabas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balita tungkol sa "explicit photos" ng pinaniniwalaang si Ira. Ang mga nude pictures, na may date na 2008/01/18, ay kuha diumano sa inupahang kuwarto sa isang resort somewhere in the Philippines. Ang kumuha raw ng mga litrato ay ang American boyfriend ni Ira. Ito rin daw ang itinuturong nagpakalat ng mga naturang litrato sa Internet. Sinubukan ng PEP (Philippine Portal) na kunin ang reaksiyon ni Ira sa pamamagitan ng text kanina, March 27, subalit hindi ito sumasagot. Kaya ang ina nitong si Irene Celebre na lamang ang kinuhanan namin ng komento ukol dito at hindi naman siya nagdamot. Mariing pinabulaanan ni Irene na ang anak niya ang nasa mga naturang larawan. "Those pictures are not true, they are fake pictures. A lot of showbiz people were victims of that scandal thing," pahayag ni Irene. Tinanong ng PEP kung naapektuhan ba ng mga nagkalat na nude photos si Ira at kung paano ito tinanggap ng kanyang anak. "Yes, very much," sagot ng ina ni Ira. "Isa rin siya sa nabiktima ng publicity or whatever scandal that is absolutely not true. We are praying that it will just fade because it affects us all. My daughter is a good woman no bad habitsâshe doesn't smoke or drink whatsoever, very responsible woman." - Philippine Entertainment Portal