PEP: Marian Rivera bags 3 Box Office awards
Bukod sa pagiging Most Promising Female Star at Phenomenal TV Star sa nakaraang 38th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., si Marian Rivera rin ang nahirang na Face of The Night. Ayon kay Marian, hindi raw talaga niya naisip na makakatanggap siya ng ganitong karaming award nang dahil sa paggawa nga niya ng Marimar. Pero siyempre pa'y ang mga fans niya ang unang dapat na pasalamatan niya. "Ay, utang na loob ko itong lahat sa mga fans ko na nagsusuporta at tumutulong sa akin. Basta ako, iniaalay ko ang award ko sa lahat ng taong naniniwala at nagmamahal sa akin," panimula ni Marian nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). NOT EXPECTING. Kung ngayong taon ay Most Promising Female Star pa lang siya, posible kaya na next year ay siya naman ang itanghal na Box-Office Queen? "Ang hirap kasing magsabi na next year, ganito na âko. Siguro kung ano lang ang ibinibigay sa akin. Sa ngayon, sobra-sobra ang ibinibigay sa akin ni Lord. At masaya âko na maraming tao ang nagmamahal sa akin. Yun lang, masayang-masaya na âko." Kahit daw ang ratings na tinatamasa ngayon ng Dyesebel ay hindi raw nila ine-expect. "To be honest, wala, hindi namin iniisip na mataas ang rating namin or whatever. Ang importante sa amin, napapaligaya namin ang mga taong nanonood ng Dyesebel." Maging sa endorsements, pareho sila ng kapareha niyang Dingdong Dantes na among the most in-demand celebrities ngayon. Sey ni Marian, kabilang daw ito sa mga bagay na hindi niya inaasahang bigla na lang dumating. "Nagulat nga ako, e. Salamat talaga sa kanila. Sa lahat ng mga taong kumukuha sa akin. Sa mga commercials, salamat sa kanila dahil nagtitiwala sila sa akin." TAKING IT AWAY FROM ANGEL? Napa-"hayan na naman!" ng paulit-ulit si Marian when PEP asked her na may mga intriga kasi na lumalabas na ilan sa mga dating endorsements daw ni Angel Locsin ay siya na ngayon ang kinukuhang bagong endorser. Sey nga niya, "Ay, hindi ko alam. Bilang isang artista, bilang isang kinukuhang talent para sa isang commercial, ang manager ko ang nakikipag-usap. Wala akong alam sa ganoong bagay. Basta ang importante sa akin, ino-offer sa akin. Ginagawa namin at masaya ako na nagtitiwala sila sa akin." AMNESIA. Samantala, ang manager na ni Marian na si Popoy Caritativo ang nagpaunang nagsabi na hindi pa raw niya nai-inform ang alaga na may mga pagbabago sa schedule GMA Films movie sana nila ni Dingdong Dantes at Iza Calzado. Amnesia ang working title ng gagawin nila nina Dingdong at Iza. Clueless nga si Marian nang tanungin ng PEP kung kalian sila magsu-shooting. "Hindi ko pa po alam. âTsaka siguro, dahil din siguro sa schedule namin. Like ako, ang dami ko ring schedule this month, next month. So, hindi ko rin alam kung paano namin maisisingit lahat. Pero sana , matuloy yun, kasi, isang malaking opportunity rin na makatrabaho ko sa movie sina Dingdong at Ms. Iza Calzado." - Philippine Entertainment Portal