ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK
AlDub featured in three Reader's Digest Asia covers
Hindi lamang isa, kundi tatlong covers ang pinagbibidahan ng phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards para sa August 2016 issue ng Reader's Digest Asia.
Kabilang sa mga tampok sa nasabing magazine ang kuwento ng AlDub sa loob ng isang taon—mula sa kanilang screen-to-screen romance, record-breaking na “Tamang Panahon” concert sa Philippine Arena, hanggang sa kanilang kauna-unahang solo movie na “Imagine You & Me.”
Binansagang “Serendipity,” “Destiny,” at “Fate” ang tatlong bersiyon ng kanilang magazine cover para sa Reader's Digest Asia ngayong darating na Agosto.
Releasing the OFFICIAL COVERS of Reader's Digest August 2016 Issue! @aldenrichards02 @mainedcm #ALDUBIYAMin5Days pic.twitter.com/V3rGz1skqx
— Emerald Headway (@emeraldheadway) July 8, 2016
Ipapalabas na ang "Imagine You & Me" sa mga sinehan sa Pilipinas at iba pang mga bansa simula sa darating na July 13.
Ayon kay Alden, isa lamang ang pelikulang ito—na kinunan pa sa iba't ibang bahagi ng Italy—sa mga sorpresa nila para sa nalalapit na pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo bilang love team ngayong darating na Hulyo. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News
More Videos
Most Popular