ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Search for #OrlandoBloom nude photos sets social media afire


 

(File photo: Reuters)

 

Naging abala ang netizens sa social media nitong Huwebes matapos kumalat ang balita tungkol sa hubo't hubad na larawan umano ng "Pirates Of The Caribbean" actor na si Orlando Bloom.

Naging trending topic sa social media gaya ng Twitter ang #OrlandoBloom at kasama rin ang #KatyPerry.

Matapos na makita ang mga "censored" na larawan umano ni Orlando na walang saplot habang nasa beach kasama si Katy Perry, hahanapin naman umano ng ilang netizen ang original o uncensored na larawan ng aktor.

Mayroon ding larawan umano si Orlando na walang saplot habang nagha-hiking.

Nagkaroon naman ng iba't ibang reaksyon ang netizens matapos makita ang kontrobersiyal na larawan ng Hollywood hunk actor.

 

 

-- FRJ, GMA News

Tags: orlandobloom