ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Ruby Rodriguez organizes third bridal shower for Pauleen Luna 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naganap nitong Sabado ang ikatlong bridal shower para sa “Eat Bulaga!” Dabarkads at Kapuso actress na si Pauleen Luna.

Sa pangunguna ng host-actress na si Ruby Rodriguez at ilan sa kaniyang mga kaibigan, nagsama-sama ang mga taong malapit sa puso ni Pauleen mula sa Tape, Inc. at “Eat Bulaga!” at ang kaniyang mga kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz.

Gaya sa naganap na bachelor's party para kay Bossing Vic Sotto nitong nakaraang linggo, pare-parehong damit rin ang suot ng mga nagsidalo, at nakasulat dito ang date na January 30, 2016, na inaasahang petsa ng kasal nina Bossing at Pauleen.

Nakasulat din sa damit ang mga katagang “I am the final answer” na tila sagot naman sa nakasulat sa damit ng mga kaibigan ni Vic na “Is that your final answer?”— hango sa sikat na linyang binabanggit ni Bossing sa game show na “Who Wants To Be A Millionaire?” 

Ipinasilip ni Pauleen sa Instagram posts ang ilan sa mga tagpo sa naganap na bridal shower, kabilang na ang pagsayaw ng “surprise dancers.”

Kabilang sa mga dumalo sina Patricia Tumulak, Allan K., Direk Philip Lazaro, at marami pang iba. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News