ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kim Domingo 'di sinasara ang pinto sa pag-ibig, 'di rin umano hoping


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi pa tuluyang isinasara ni Kim Domingo ang kaniyang pinto sa "ex" niyang si Mike Acuña, pero hindi rin naman siya "hoping" na magkabalikan sila.

"Nanghinayang din siyempre kasi, siyempre ang tagal namin. Andami ding pinagsamahan. Pero ganu'n talaga. Sarili ko muna," saad ni Kim sa media conference ng Kiko En Lala sa GMA Network nitong Martes.

Pinabulaanan ni Kim na may lokohang nangyari o may nasangkot na third party sa breakup nila ni Mike.

"Ay hindi walang lokohan. Hahaha. Walang lokohan, walang third party."

Hindi rin daw sila nagkasawaan, pero sinabi ni Kim na siya ang unang nakipaghiwalay.

"Mm (Oo). Pero parang sa huli, naging mutual na rin 'yung kinalabasan. Okay kami, naghiwalay kami na okay, hindi kami naghiwalay nang may galit."

Natanong si Kim kung siya ang tipo ng tao na hindi na binabalikan pa ang kaniyang mga nakaraan.

"Ay hindi ko masasabi. Mahirap magsalita nang tapos, ayoko magsarado ng pinto. Sasabihin ko na 'Hindi' tapos mababalitaan niyo. Ayoko naman ng ganu'n. Kumbaga, kung ano na lang ang mangyari, 'di ba? Tingnan natin."

Gayunman, hindi naman siya hoping na muli silang magkabalikan ni Mike.

"Hoping? Hindi. Hopia? Hahahaha! Hindi, ano muna ako ngayon, basta kung ano ang nandiyan, go lang."

"Wala, wala pa akong dine-date," sabi ni Kim nang tanungin kung may dini-date siya ngayon.

"Masaya ako ngayon. Hahaha! Kasi mas nagkakaroon ako ng time sa family ko at saka sa sarili ko. Family ko, 'yun ang nagpapasaya sa akin."

Inanunsyo ni Kim ang hiwalayan nila ni Mike nitong Hulyo, matapos ang tatlong taong relasyon. —Jamil Santos/LBG, GMA News