Halos isang buwan nang single si Kim Domingo matapos ang breakup nila ng boyfriend niyang basketball player na si Michael "Mike" Acuña.

Gayunman, tumanggi ang 25-anyos na Kapuso actress na sabihin ang dahilan ng kanilang paghihiwaly.

“Ayoko nang pag-usapan,” natatawang pag-iwas na tugon ng aktres.

Dagdag pa niya, maayos naman daw ang naging hiwalayan nila at mutual decision din daw ito.

Kuwento pa ni Kim, “Parehas naman. Pero on good terms kami.

“Walang halong galit sa isa’t isa, okay kami.

“Okay naman po. Basta yun, happy ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Kim sa grand press conference ng "Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko" ngayong araw ng Lunes, July 8.

Isa si Kim sa bida ng Kapuso suspense-drama thriller na ito kasama sina Kris Bernal, Rayver Cruz, at Megan Young, na mapapanood sa GMA afternoon prime simula sa July 22.

Pinabulaanan ni Kim na para sa promo ng kanilang teleserye ang hiwalayan nila ni Mike.

Natatawa niyang sabi, “Hay, walang ganun, hindi!

“Matagal na rin, magwa-one month na.”

Sa ngayon, magpo-focus daw muna si Kim sa bagong proyektong ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Sa panayam ng PEP.ph kay Kim noong April 26, 2019, inamin nitong nagli-live-in na sila ni Mike.

May plano na rin silang magka-baby, pero hindi ang pagpapakasal dahil masyado pa raw silang bata at marami pa silang gustong gawin sa buhay.

Pero umaasa si Kim na sa bandang huli ay sila pa rin ni Mike ang magkatuluyan at ikasal.

Lahad niya noon, “Sana doon na, kasi okay naman kami, wala naman kaming nagiging issue, e.

“May mga konting ano, tampuhan, away, ganyan, pero hindi naman malaki na ano.” --For more showbiz news, visit PEP.ph