ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Hustisyang 'de-gulong' umandar na
MANILA â Dati ng kasabihan na hayaang gumulong ang hustisya. Pero ngayon, literal na de-gulong ang hustisya dahil sa inilunsad na proyekto ng Korte Suprema na tinawag na âJustice on Wheels." Ang JOW project o Mobile Court - kung saan ginawang korte ang isang bus na may judge, clerk at mga gamit tulad sa karaniwang korte - ay inilunsad sa lungsod ng Maynila kamakailan at pinasinayaan nina SC Chief Justice Reynato Puno at Manila Mayor Alfredo Lim. Ayon kay Puno, layunin ng JOW na mabawasan ang mga nakapiit sa mga nagsisiksikang kulungan sa pamamagitan ng mabilis na paglilitis sa mga kaso. Inaasahan na sa loob ng tatlong buwan ay malaki ang mababawas sa mga nakapiit sa Manila City Jail at Manila Rehabilitation Center. Tinatayang mahigit 5,000 ang nakapiit sa Manila City Jail gayung ginawa ito para tumanggap lamang ng may 1,000 bilanggo. Para kay Puno, matatawag na biktima ng kawalang hustisya ang isang akusado kung matagal itong mananatili sa piitan dahil sa mabagal na madinig sa kanyang kaso at huli ay mapapatunayan na wala namang kasalanan. Dahil sa krisis sa ekonomiya, nababahala ang Punong Mahistrado ng SC na tumaas ang kaso ng mga krimen. Aniya, sa panahon ng kahirapan, marami ang nakapag-iisip na gumawa ng masama upang mabuhay. Sa mga ganitong sitwasyon ay makatutulong umano ang mapabilis na paggulong ng hustisya at ipakita ng pamahalaan na umiiral ang batas, lalo na sa mga mahihirap. Matapos ang buong araw na pagdinig ng POW sa Maynila, 20 kaso ang kanilang naresolba. Ang mga napawalang sala ay napagkalooban kaagad ng kanilang pansamantala o permanenteng kalayaan mula sa ibaât-ibang kaso na kanilang kinaharap. Pinuna rin ni Puno sa pakikipagpulong nito sa mga Regional and Metropolitan Trial Judges ang âtalamak" na pagtatanim umano ng ebidensya ng mga pulis sa mga akusadong sangkot sa illegal na droga. Ang ganitong problema sa pagpapatupad ng batas ay hindi lang umano sa Metro Manila nagaganap kundi sa buong bansa. - GMANews.TV
Tags: bagosapinay, justiceonwheels
More Videos
Most Popular