Huwag magpaloko
Ako po ay tawagin nyo na lang Mang Jose. Isang OFW na nagtatrabaho na ngayon sa Saudi. Gumawa po ako ng sulat upang maging isang babala sa mga nais makipagsapalaran sa pag-a-abroad. Marami na ngayong mga illegal recruiter na nagkalat sa Pilipinas. Nakikita natin at nababasa sa dyaryo ang mga babalang ito. Pero sa tamis nilang magsalita at mga pamamaraan ng panglilinlang, talaga namang ikaây maniniwala at maaakit sa kanilang mga modus. Tulad ko na dating nagtratrabaho na sa abroad ay naloko pa rin. Ikukwento ko sa inyo kung paano nangyari para mabigyan din kayo ng idea kung paano sila manloko. Ako po ay dating nagtatrabaho na sa abroad, nang nag-aplay ako pabalik sa abroad ang tinatarget ko pong aplayan ay yung hindi na sa Middle East. Kaso sa kasamaang-palad naloko ako ng isang illegal recruiter na nagngangang J.S.P. Siya ay kaibigan ng asawa ng bayaw ko. Nakita ko na po siya isang beses lang bago siya umalis papuntang Macau. Ang sabi niya sa akin ay nagtatrabaho raw sya sa Macau sa isang tech company. Kapag may opening daw doon ay ipapasok daw nya kami. Unang-una 'di po ako naniniwala sa kanya. Hanggang sa bigla siyang nakipag-usap sa asawa ng bayaw ko sa pamamagitan ng Y.M. at ipaalam na may hiring daw sa kumpanya nila. 'Di ko pinansin yun nang una dahil may inaantay akong resulta ng interview sa isang agency papuntang UK. Marami na syang nakuhang tao kasama na dun ang bayaw ko, pinsan ng bayaw ko, kapatid sa asawa ng bayaw ko at kaibigan ng asawa ng bayaw ko. Mga ilang linggo ang nakaraan ay nagpadala na sila ng pera sa Macau sa Php 35,550 para daw sa traveling packs at document dun sa Macau pagdating. Naka-schedule sila na umalis noong September 2008 kaso hindi umabot sa releasing ang pasaporte nila. Ini-schedule uli ang pag-alis nito sa October 2008. Naghahanda na sila sa pag- alis at yung iba ay nagsipag-resign na sa trabaho. Yung iba naman nangutang pa para makapadala ng pera sa Macau. Nang nalaman ko ang resulta ng interview galing sa agency papuntang UK na hindi ako qualified, bigla kong naisip na sumama sa kanila sa Macau. Kailangan ko na kasing umalis dahil mauubos na yung naipon kong pera at manganganak na yung asawa ko. Naisip ko na mukhang totoo nga dahil nakipag-usap pa sa kanila si JSP kahit nakapagpadala na sila ng pera mga isang lingo na ang nakararaan. Nag-usap kami ni JSP via Y.M. Ang sabi nya sa akin ay tamang-tama raw ang timing ko kasi naghahanap sila ng autocad sa kompanya nila at matutuwa raw yung Italiano sa kanya. Dagdag pa nya 60k php daw ang sahod ko at may accommodation na raw dun kasi kumuha na raw sila dun ng bahay. Libre raw ang pagkain sa tanghali at gabi kasi may canteen naman daw dun. Sabi nya magpadala raw ako ng pera para nga raw sa travelling packs at documents. Tinanung ko sya bakit âdi libre ng gastos sa kompanya. Ang sabi nya kasi raw ang nangyari dati âdi naman tumuloy ang tao kaya binago daw nila ang proseso. Sabi pa nga nya kailangan ko na raw magpadala ng pera para isang lakad lang daw dun sa pag-process dun mismo sa Macau at makahabol dun sa mga nauna. Nagpadala ako ng pera noong September 28 na Php 35,550. Ang sabi nya ang tatangap ng pera ay HR daw ng kompanya na si FAN. Bago pa man maipadala ang pera ay nag-away pa kami ng misis ko sa kadahilanang last money na namin iyon. Pero talagang pinatuloy ko yung pagpadala dahil akoây talagang naniwala ako sa lahat ng sinabi nya. Nagresearch ako sa internet at talagang meron at pagdating dun pwede raw agad ako mag-cash advance. October 10 ang schedule nang pag-alis namin ngunit ilang araw na bago dumating ang schedule ay nagbago raw ang pupuntahan namin. Ililipat daw kami sa Australia kasama daw sya sa paglipat. At may kulang pa raw kaming Php 25,000 para sa visa papuntang Australia. Saka na lang daw kami magbayad pagdating ng visa. Inayos na raw ng kompanya. Simula noon ay doo na ako nagdududa. Tinext ko yung bayaw ko na babawiin ko na lang yung pera at maghahanap na lang ako ng iba. Kaso ang sabi ng bayaw ko âdi na raw nakikipag-usap sa kanila sa JSP. Sini-search nila sa internet ang pangalan ni FAN at nakontak naman nila. Nalaman lang namin na bago pa lang si FAN sa Macau para maghanap din ng trabaho dun at hindi nya raw kilala si JSP. Minsan lang daw nya kinausap si JSP na kumuha ng pera dahil naiwan daw ang passport nya. Doon na lang namin nalaman na 100 percent naloko kami. Ang pag-asa naming bumangon sa hirap ay biglang naglaho na lang lahat. Kasamang nawala ang pera na ipinadala namin. Akoây nag-alala kung anong mangyari sa pamilya ko dahil wala na kaming allowace sa susunod na buwan. Buti na lang at merong mga magagandang loob na nagpautang sa amin. Nakautang din ako para sa allowance ng pamilya ko at pang-aplay sa Peru. Kahit ayoko nang bumalik sa Saudi ay tinanggap ko na lang agad ang offer sa maliit na sahod. Pagtiisan ko na lang kaysa magutom ang pamilya ko. Kararating ko lang dito noong November 1. Sa ngayon âdi pa ako nakabawi at kailangan kong magtiis para mabayaran ang utang namin.Unang buwan nang magsumikap para makaahon sa hirap. Kami ay nagsampa ng kaso sa POEA. Ayaw man namin pero kailangan namin magsampa para âdi na nya maulit ang mga panloloko nya. Sa mga nakabasa nito mag-ingat po kayo sa mga illegal recruiter para hindi matulad sa amin. - GMANews.TV Mang Jose Mga Kapusong Pinoy! Marami kaming natatanggap na papuri at pasasalamat mula sa ating mga kababayan sa abroad dahil sa ating Kwentong Kapuso. Nagpapasalamat sila dahil nabigyan sila ng puwang sa Pinoy Abroad section ng GMANews.TV na marinig ang kanilang saloobin. Ang iba naman na hindi nagbabahagi ng kanilang kwento ay ipinapahatid ang kanilang pasasalamat dahil nakakapulot sila ng aral at kaalaman sa mga Kapuso natin na nagpadala ng kanilang kwento. Mas marami ang nagsasabi na ang kwento ng iba ay kwento rin nila. Dito ay nalalaman nila na hindi lang sila ang dumadaan sa ganoong mga sitwasyon. Mga kwentong humaplos sa kanilang puso at nagpapatatag sa kanilang kalooban. Nais po naming ipaalam sa inyo mga Kapuso sa abroad na kami ang dapat magpasalamat sa inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong kwento. Ang bawat pagbubukas nyo ng inyong puso - malungkot man o masaya - ay nagbibigay sa amin ng kaalaman kung papaano ang buhay ng malayo sa bansa, lalo na sa mga mahal sa buhay. Hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man ito o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kaya naman wala lang, dahil walang magawa. Ang effort nyo na magbukas ng computer o laptop, at bisitahin ang ating GMANews.TV ay malaking pasasalamat na - papaano pa kaya ang maglaan kayo ng panahon na magtipa ng inyong kwento at ipadala sa amin - ay talagang nagpapataba ng aming puso. Kaya hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo po kami sa inyong pagsasakripisyo mga Kapuso. At maraming salamat sa inyong walang tigil na pagtitiwala.