ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Maria Cristina Falls sa Iligan City muling binuksan sa publiko


Makaraang isara sa publiko ng halos dalawang taon, binuksan na muli sa publiko ang nakamamanghang Maria Cristina Falls sa Iligan City, Lanao del Norte. Pansamantalang isinara sa publiko ang talon noong Setyembre 2008 dahil sa usapin ng seguridad dahil sa banta ng mga rebeldeng grupo. At pagkaraan ng halos dalawang taon, maaari na muling pasyalan ng publiko ang ipinagmamalaking tourist attraction ng Iligan. Bukod sa nakamamanghang taas ng talon na tinatayang aabot sa 320 feet, ginawa na rin itong natures park.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Mayroon na itong butterfly farm, mini zoo at zipline kung saan maaaring lumipad habang minamasdan ang malakas na dausdos ng tubig na pinagkukunan ng enerhiya ng malaking bahagi ng Mindanao. Ang Maria Cristina Falls na tinatawag na “Mother of Industry", ay pinamamahalaan ng National Power Corporation para sa Agus VI hydroelectric plants na kayang lumikha ng hanggang 200 MW na nagbibigay ng kuryente sa rehiyon. - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: bagosapinas