ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Futuristic look ‘in’ sa 2007


Bagong taon, bagong uso. At ano nga ba ang papatok sa pananamit ngayon 2007? Ayon sa batang fashion designer na si Ferdie Abuel, futuristic o metallic looks ang hahataw ngayon taon ng year of the “Fire Pig." Ano ang itsura ng futuristic at metallic looks? Ito ang mga kasuotang makikintab na tila ‘robotic at tronic looks.' Pasok din daw ang mga kasuotang mayroong disenyo ng polka dots, stripes at malalapad na sinturon --samahan na rin ng leggings. Dagdag naman ng isa pang young fashion ‘guru’ na si Puey Caniones, ‘in’ ang mga kasuotan na mayroon lace at layer. Kasama na ang kanyang “see-through tunic" na ipapatong lang sa mga simpleng jean at blouse. Pero hindi raw dapat basta sumabay sa uso. Ang importante ay komportable ka sa lahat ng iyong isinusuot para mas maganda ang presentasyon ng mga damit habang suot ng iyong katawan. - GMANews.TV