ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

‘Unoy’ rice ng Kalinga patok sa US


Pumatok sa Montana, USA ang “Unoy" rice, isang tradisyunal na upland variety sa probinsya ng Kalinga. Ayon kay Estanislao Albano Jr, spokeman ng Tabuk, Kalinga center, pinupuntirya na ngayon nila ang Europe market para sa Unoy, matapos umano ito magustuhan ng ilang Europeans. Mula pa noong 2005 ine-export na ang Unoy sa Montana pagkapasa nito sa masugid na pagsusuri ng US government. Isang Italyanong representante ng Slow Food Foundation for Diversity, isang organisasyon na nakbase sa Italy, ang nagpahayag ng interes sa Unoy rice, ani Albano. Nagpunta umano ang Italyano sa Kalinga at inerekomenda ang Unoy sa Italian Foundation, na tumutulong sa mga producer ng traditional products at sa pag-promote ng nasabing mga produko. Kumbinsido na man ang Italyano na papasa sa kanilang standard ang Unoy rice. Sabi ni Albano, abala na ang Italian Foundation para maisama sa listahan ang Kalinga rice sa food catalogue nito. –GMANews.TV