Auraeus Solito: Unang Indie film director sa Hollywood
May kaba sa sarili, pero sa loob ng kanyang dibdib, puno ng pagmamalaki si Auraeus Solito dahil sa unang pagkakataon ay may isang Filipino na nakasuot ng Barong-Tagalog na nakabagtas sa red carpet habang inaasinta ng mga kislap mula sa kamera sa isang malaking pagtitipon sa Hollywood. Mula nang gawin ni Solito ang pelikulang, âAng Pagdadalaga ni Maximo Oliveros" noong 2005, kung saan-saang bansa na siya nakarating upang dumalo sa mga film festival para tanggapin ang ibat-ibang parangal. âIt was amazing. I was the First Filipino in a Barong in a major Hollywood event. I met with other filmmakers that I knew from the other festivals like Ryan Fleck, one of the producers and writers of Half Nelson," kuwento niya kay Joseph Pimentel ng Asianjournal.com, matapos niyang dumalo sa Independent Spirit Awards sa US. Unang Pinoy indie film director sa Hollywood Si Solito ang unang Pinoy filmmaker na nanomina sa Indie Spirit award kaya naman walang paglagyan ang kanyang kasiyahan. Bukod sa Spirit Award, naglayag na si Solito sa Montreal, Toronto, Okinawa, Utah, Berlin, Rotterdam, Amsterdam, New York, Las Palmas, Spain, Sydney, Hong Kong, San Francisco, Los Angeles, Vancouver, Warsaw, London dahil sa kanyang âMaximo." Ang imbitasyon sa Estonia ay tinanggihan na niya dahil hindi niya kakayanin ang sobrang lamig dito na umaabot sa negative 20 degree. Ano nga ba mayroon ang kanyang âMaximo" at nakakuha ito ng atensiyon sa ibat-ibang international film body? Ang pelikula ay tumalakay sa isang nagbibinatang bakla na nagkagusto sa isang pulis. At sa panayam ni Pimentel, inamin ni Solino na may pagkakatulad sa sarili niyang buhay ang âMaximo" dahil minsan na rin siyang nagka-interes sa isang pulis. âI related with Maximoâ¦I mean I had a stage in my life when I was queen bee. I really walked the walk. And my first love was an officer and I had to act straight for him to like me. Itâs funny how serendipity can connect things," kuwento ni Solino. Nitong nakaraang taon, nakuha ng âMaximo" ang International Jury Prize Berlin International Film, ang Festival 2006 Jury Prize Rotterdam International, at Best Picture of the Year sa Urian Award sa Pilipinas Kasama rin ito sa Sundance Film Festival at nominated nga sa kategoryang Best Foreign Film sa 2007 Spirit Award. Tubong Palawan Ngunit sa kabila ng mga tagumpay, nanatiling nakatapak sa lupa ang mga paa ni Solito, isang karaniwang mamamayan ng Palawan na noong kabataan ay mahilig sa math at science. Una siyang nangarap na maging duktor. âI was a math and science champion in grade school," pagbahagi niya kay Pimentel. âAt first, I wanted to be a doctorâ¦But in my second year, they saturated me with so much science, physics, math, trigonometry, geometry and I couldnât take it anymore. I just rebelled. No more. Ironically, in one of the classes, we had to direct scenes from the Jose Rizal play âNoli Me Tangere." Kaya naman malaki raw ang utang na loob ni Solito kay Rizal. âI was a box office hit even in high school, " dagdag pa niya sa ulat ng Asianjournal.com. May angking talento si Solito pagdating sa paggawa ng pelikula. Malinaw niyang nakikita ang mga eksena sa kanyang isip. At mula sa paggawa ng isang dokumento na hango sa isang tribu ng katutubo sa Palawan, ang sumunod ay ang pelikulang nagbigay patunay sa kanyang kakayahan bilang mahusay na manunulat at direktor. âI also watched a lot of gay progressive films (sa Toronto Film Festival) and I said to myself I want to do a gay progressive film and serendipitously, when I came back to Manila I was offered to do the script," aniya. Bukod sa âMaximo," ginawa rin ni Solino ang pelikulang âTuli." Nakalinya rin sa kanyang mga proyekto ang pelikula tungkol sa mga matalinong bata mula Philippine Science High School kung saan siya nag-aral. Nais ni Solito na baliin ang imaheng itinatak ng mga lumang pelikula na ang mga kabataang Pinoy ay bobo at gago. âWe have intelligent Filipinos and scientific wizards. I want to show the world that Filipinos are an intelligent race," dagdag pa niya. Malayo na nga ang narating ng Palaweñong nagtapos sa University of the Philippines. Pero nagsisimula pa lamang si Solito, kaya abangan natin ang iba pa niyang obra na hahangaan sa ibat-ibang bansa. - Fidel Jimenez, GMANews.TV