Kakaibang eskwelahan para sa mga Badjao
Kung may floating casino ang Macau at may âcastles in the air" sa fairytales, may âfloating school" naman ang Badjaos sa Zambaonga City. âThis is the first of its kind not only in the Philippines but in the entire world," ayon pa kay Dr. Eldigario Gonzales, presidente ng Western Mindanao State University (WMSU). Ang Badjao ay indigenous people sa Pilipinas na nakatira sa mga baybaying-dagat sa Zamboanga. Pero kumakalat na rin sila sa ilang coastal areas sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao. Ang tawag sa kanila ay âsea gypsies" kasi talaga namang sa dagat ang buhay nila. Kapag nakakita kayo ng mga batang sumasalubong pagdaong ng mga barko sa mga daungan sa Cebu, Davao o sa Zamboanga at sumisisid ng mga baryang iniitsa ng mga pasahero mula sa barko, mga Badjao kids sila. Dahil sa mahirap ihiwalay ang Badjao sa dagat, naisipan ng WMSU na âdalhin sa dagat" ang paaralan upang maturuan ang mga ito. Kaya, naitayo ang âfloating school" para sa kanila. Ang konsepto, curriculum at disenyo ng paaralan ay nanalo noong 2005 sa âBagong Paraan Project" contest ng World Bank. Binigyan ito ng bangko ng initial funding na P1.4 million. Pinondohan naman ng Australian Agency for International Development ang ilan pang mga pangangailangan ng eskwelahan. âLa universidad para la comunidad" (University for the community) ang pinakasentrong tema sa naturang proyekto, ani Gonzales. Sabi niya, matutugunan ng floating school ang problema sa edukasyon ng Badjaos, lalunaât nakabatay sa kanilang kultura at kapaligiran ang curriculum na ini-integrate naman sa formal curriculum ng Department of Education . Sinabi ni Gonzales na pamamahalaan ng WMSU faculty ang basic education needs ng Badjaos. Tuwing may session, sasakay kapwa mga magulang at mga anak ng Badjaos sa floating school at sabay na mag-aral. Para umano siguradong mag-attend ang mga magulang, bibigyan sila ng allowance para hindi na sila maghahanap ng mapagkakitaan tuwing may session. âWe thought of this idea as this is part of WMSUâs extension program following the theme La Universidad Para La Comunidad," ani Gonzales. âGMANews.TV