Mutya Buena: Pinay diva sa Europa
Pangarap ng maraming mang-aawit sa Pilipinas na makilala rin sa ibang bansaâat isang dugong Pinay ang nakagawa ng marka sa mundo ng musika sa Europaâsiya si Rosa Isabel âMutya" Buena. Unang nakilala si Mutya bilang miyembro ng sikat na all-female group na The Sugababes na binuo noong 1998 sa London, England. Dahil sa magandang tinig, si Mutya ang nagsilbing lead singer ng grupo kasama ang kanyang mga childhood friends na sina Keisha Buchanan at Heidi Range. Sa husay ng grupo, pinarangalan ito bilang best female pop group ng BRIT Award. Nakapaglabas sila ng 18 singles at limang album na pawang namayagpag sa top 40 charts worldwide, kasama ang lima sa UK No. 1 singles at isang UK No. 1 album. Nagpatuloy ang pagsikat ng Sugababes hanggang 2003 nang mapanalunan nila ang BRIT Award para sa "Best Dance Act". Ngunit sa kabila ng tagumpay ng grupo, nagdesisyon si Mutya na iwanan ang Sugababe noong Disyembre 2005 dahil sa âpersonal" na dahilan at tutukan ang pag-alaga sa kanyang anak na si Thalia na isinilang din ng taong iyon. "I've enjoyed an unbelievable career so far and I'm so proud of what we've achieved with Sugababes. I'm delighted the new girl is taking my place. She's getting one of the best jobs in the world," pahayag niya sa kanyang pag-alis sa grupo. Ang Pagbabalik Sa panahon na nawala sa eksena ng musika, nagbukas ng fan mail si Mutya sa MySpace upang doon iparinig ang kanyang mga demo track ng awitin. Ginamit din n'ya ang website para patuloy na makipag-ugnayan sa kanyang mga tagahanga. At ang kanyang pagbabalik ay naging maingay dahil siya ang pinili ng sikat na singer na si George Michael na maka-duet sa awiting âThis Is Not Real Love." Ang naturang awitin ang inabangan ng mga tagahanga ng dalawa sa kanilang London Tour. âMy passion is music! I love singing slow jams and R&B ( and anything else that comes to my mind while Iâm in the bath or shower). Recently, i have teamed up with George Michael to perform a duet on his London tour," ani Muty sa sa kanyang website sa www.myspace.com/mutya1. âIt was really exciting to be on stage with a pop star living legend. Great Stuff!! He really is talented. I remember his (George) âWhamâ days," patungkol ni Mutya sa dating grupo ni George na Wham na sumikat noong dekada 80. Bukod sa kanyang duet kay George, inihahanda na rin ang kanyang album. Kabilang sa awitin dito ay "Love Story", "2 The Limit", "Wonderful", "Darkside", "Suffer 4 Love", "Sunshine", "Addiction", "Paperbag", "Strung Out", "Where You'll Find Me" at "Song 4 Mutya (Out Of Control)." May patikim na rin si Mutya sa kanyang mga tagahanga. Mapapakinggan sa kanyang website (www.mutyamusic.com) ang kanyang single na âReal Girl." Dito rin nakalagay ang mga gig at iba pang impormasyon tungkol sa kanyang career. May ulat na kasama sa album ng âReal Girl" na inaasahang ilalabas sa Abril 2007, ang mga awiting âNot Your Baby", âStrung Out", âPaperbag" at âHollow," isang ballad song na umanoy na tinanggihan kantahin ni Britney Spears. Ayaw sa pula Takaw pansin kay Mutya ang kanyang mga tattoo sa braso at dibdib, mga hikaw sa labi at ilong, gayundin ang isang silver na ngipin. Sa isang panayam, sinabi ni Mutya na hindi niya type ang kulay pula na kabaligtaran sa mga tipikal na babae. Naninirahan sa Kingsbury, London si Mutya na Irish ang ina at Filipino ang ama. Kaya naman hindi nakapagtataka na âMutya" ang ipinangalan sa kanya. Ang kanyang mga kapatid na babae ay may pangalang âMaya", âLigaya" at âDalisay." Nang pumanaw ang kapatid niyang si Maya taong 2002, gumawa si Mutya ng kanta para rito na ang pamagat ay mula sa pangalan ni Maya. Mayroon ding limang kapatid na lalaki si Mutya na sina Bayani, Charlie, Chris, Danny at Roberto. Ngayon, mayroon na siyang anak at panibagong album, sinabi ni Mutya na kumpleto na ang kanyang buhay at higit na masaya kaysa noon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV