CBCP: Magpakita ng 'people power' sa balota
Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Filipino na protektahan ang kanilang mga boto at ipakita ang âpeople power" sa pamamagitan ng balota. âDo not allow anyone to violate the sanctity of your ballot. Vote according to your conscience. Vote freely whom you believe can advance the common good of this country. Protect your vote from being tampered with (Huwag ninyong hayaan ang sinumang dungisan ang inyong balota. Bumoto ng naayon sa inyong konsensya. Malayang iboto ang sinumang pinaniniwalaan ninyong makabubuti sa bayan. Pangalagaan ninyo ang inyong boto na hindi galawin ninuman)," ayon kay Jaro Archbishop Angel Lagdameo, presidente ng CBCP, sa isang press statement. Muling ipinaalala ni Lagdameo sa mga botante ang lumang kasabihang, âall it takes for evil to triumph is for good men to do nothing (Nagtatagumpay lamang ang kasamaan kung walang gagawin ang kabutihan)." âToday, as the nation goes to the polls, we are stating a message: no matter how imperfect or violated it may be, democracy is not dead in this country. We have proven it time and again, from one election to another that the ballot is the ultimate expression of people power,(Ngayon, habang ang lahat ay boboto, mayroon kaming isang paalala: hindi pa patay ang demokrasya sa bansa bagamat itoây hindi perpekto. Napatunayan na ng maraming ulit kada eleksyon, na ang balota ang pinakamainam na paraan na nagpapakita ng lakas ng tao)," dagdag ni Lagdameo. Isinaad din ng kilalang lider ng simbahan na ang sinumang kandidatong nanalo dahil sa pandaraya ay manunungkulan sa pandaraya. At ang sinumang handang ibenta ang kanyang boto sa anumang halaga ay dapat maghanda sa anumang gobyerno ang maitatalaga sa pwesto. Imbes na hayaang manaig ang kasamaan, igniit ni Lagdameo na dapat siguraduhin ng mga botante ang âclean, honest, accurate, meaningful at peaceful" na eleksiyon, o mas kilala sa acronym na âCHAMP". Idinagdag niya na kung sama-sama, mapapaayos ang demokrasya at ang proseso ng eleksyon ngayon kaysa sa noong nakaraan. Kinilala rin ni Archbishop Lagdameo ang tulong ng ibaât ibang organisasyon gaya ng National Citizenâs Movement for Free Elections (NAMFREL), CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at Legal Network for Truthful Election (LENTE) at ang libu-libong guro sa buong kapuluan. âWe need the Lord's help in this important event. May the hand of God stop the evil of electoral violence, cheating and corruption from getting in control of our electoral process. Let us accompany our election and counting of votes with prayer and watchfulness,( Kailangan nating hingin ang tulong ng Panginoon sa mahalagang okasyong ito. Pigilan nawa ng kamay ng Panginoon ang anumang karahasan sa eleksyon, pandaraya at korupsyon sa pagkontrol ng proseso ng eleksyon. Samahan natin ng pagdarasal at pagiging mapagmasid ang magaganap na botohan at bilangan)," ayon sa Arsobispo. Tumangging maglabas ng listahan ng susuportahang kandidato ang CBCP upang hayaang makapili ng tama ang kanilang mga tagasunod. Hindi tulad ng CBCP, ang grupong Jesus is Lord Movement ni Bro. Eddie Villanueva at El Shaddai ni Bro. Mike Velarde ay parehong naglalabas ng listahan ng kanilang mga sinusuportahang kandidato sa Senado kada eleksyon. Inendorso ni Velarde ang 21 kandidato at hindi labing dalawa tulad ng dati, dahil naniniwala siyang kailangan din ng check and balance sa Senado. "Its not good to vote 12-0, we need a check and balance in the Senate because we cannot get a check and balance in the House of Representatives, (Hindi maganda na bumoto ng 12-0 sa Senado, kailangan natin ng check and balance sa Mababang Kapulungan na ito,dahil walang ganoon sa Kongreso), " ayon kay Velarde. Napabalitang pipili ang El Shaddai ng limang kandidato mula sa oposisyon, lima mula Team Unity at dalawang independiente. Subalit pinabulaanan ito ni Velarde. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV