ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Namfrel handa nang mag-umpisa ng quick count mamaya


Umaasa ang National Movement for Free Elections (Namfrel), isang poll watchdog, na matatanggap nito ang karamihan ng election returns bago maghating-gabi ngayong Lunes sa pagsisimula nito ng quick count. Ayon sa media coordinators ng Namfrel, and otorisado ng Comelec na magsagawa ng quick count, handang-handa na ang mga volunteers nito na mag-umpisa sa pagta-tally ng mga boto batay sa ERs sa parehong oras gaya nang mga nakaraang halalan. “There was just one election return that came in at 10 in the evening in 2004, that was exceptional and that came from Sulu," saad ng isa sa mga media coordinators, na itinangging sabihin ang pangalan. Isasara ang botohan eksaktong alas-3 ng hapon, subalit sinabi ni CSaad ng Poll watchdog National Movement for Free Elections (Namfrel) na inaasahan na karamihan sa election returns ay darating bago mag hating gabi ngayong lunes. Ayon sa Media coordinators ito ay base sa 2004 elections na kung saan ang Namfrel ay handang umpisahan ang quick count ng parehong oras. “There was just one election return that came in at 10 in the evening in 2004, that was exceptional and that came from Sulu," saad ng isa sa mga media coordinators, na itinangging sabihin ang pangalan. Isasara ang botohan eksaktong alas-3 ng hapon subalit sinabi ni Comelec chairman Benjamin Abalos na maaaring palawigin ang bobohan hanggang alas-4 kung may mga aberya na hindi maiiwasan at kung nasa loob na ng presinto ang mga botante subalit hindi pa nakaboboto dahil sa haba ng pilahan. Nakatakdang mag-umpisa kaagad ang bilangan ng boto matapos ang pagsasara ng oras ng botohan. Binigyan ng Comelec ang Namfrel ng 10 araw na palugit o hanggang Mayo 24 upang tapusin ang quick count. - Sheryl Garafil, GMANews.TV